KABANATA 14- BUGTONG NA ANAK

8.4K 15 1
                                    

Isinalaysay ng binata ang kanyang buhay. Siya’y si Florante, nag-iisang anak ni Duke Briseo ng Albanya, at ni Prinsesa Floresca ng Krotona. Sa Albanya siya lumaki at nagkaisip. Ang kanyang ama’y tanungan o sanggunian ni Haring Linseo at tumatayong pangalawang puno sa kaharian. Isang matapang na pinuno at mapagmahal na ama si Duke Briseo. May ilang mahalagang pangyayari noong bata pa si Florante. Nang sanggol pa’y muntik na siyang madagit ng isang buwitre ngunit nailigtas siya ng pinsang si Menalipo. Isang araw, isang ibong arkon ang biglang pumasok sa salas at dinagit ang kanyang dyamanteng kupido sa dibdib. Nang siya’y siyam na taon na, pinalili[pas niya ang maghapon sa pamamasyal sa burol. Bata pa’y natuto na siyang mamana ng mga ibon at iba pang hayop. Naging mapagmahal siya sa kalikasan.

Florante At LauraNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ