KABANATA 22- TAGUMPAY AT PIGHATI

7.7K 17 2
                                    

Dahil sa luhang pabaon ni Laura, natiis ni Florante ang kalungkutang bunga ng pagkawalay sa minamahal. Pagdating sa digmaan, naabutan ng hukbo nina Florante na halos mawasak na ang kaaway ang kuta ng Krotona. Ngunit magiting na nagtanggol si Florante at ang kanyang mga kawal hanggang sa hamunin ni Osmalik si Florante na silang dalawa ang magharap. Limang oras silang naglaban hanggang sa mapatay ni Florante si Osmalik. Ipinagbunyi ng taong-bayan si Florante lalo nang malamang ito’y apo ng hari ng Krotona. Ngunit nahaluan ng lungkot ang kanilang kagalakan nang magkita ang maglolo. Muling nanariwa ang kirot ng pagkamatay ng ina ni Florante. Dito naisip ni Florante na walang lubos na ligaya sa mundo. Pagkaraan ng limang buwan sa Krotona, nagpilit nang bumalik sa Albanya si Florante upang makita si Laura. Ngunit nang malapit na at natatanaw na ang moog ng Albanya, biglang kinutuban si Florante.

Florante At Lauraحيث تعيش القصص. اكتشف الآن