Di nagtagal nakarating sa Albanya ang magkaibigan. Pagkakita sa ama, napaluha si Florante nang muling manariwa ang sakit ng loob sa pagkamatay ng ina. Noon dumating ang sugo ni Haring Linseo, dala ang sulat ng Hari ng Crotona na humihingi ng tulong sapagkat nilusob ang Krotona ni Heneral Osmalikng Persiya. Pangalawa ito ng bantog na si Prinsipe Aladin na hinahangaan ni Florante at ayon sa balita’y kilabot sa buong mundo. Sa narinig, napangiti ang Moro at nagsabing bihirang magkatotoo ang mga balita at karaniwang may dagdag na. Nagtungo sa palasyo ng Albanya ang mag-ama. Doon masakit man sa loob, pumayag din ang ama ni Florante nang ito’y hirangin ng hari na heneral ng hukbo.
YOU ARE READING
Florante At Laura
Historical FictionTunghayan natin ang buod nang kwentong pag iibigan ni Florante at Laura. Ito'y isa sa mga nobelang gawa nang pambansang bayani natin na si Dr. Jose Rizal