KABANATA 5

136K 1.5K 17
                                    

Samantha's P.O.V.

"Heto," sabay hagis niya ng tatlong pack ng sampong libong tig-iisang libo sa mukha kong basang basa na ng sariling luha. "Tatlumpong libong piso, sampung libo bawat saksak sa pagkababae mo.  Thanks for your services!"

Pinaghalo-halong sakit, galit at kahihiyan ang nararamdaman ko ngayon. Pero wala ako magawa kundi ang akapin ang aking mga binti habang pilit na ibinabaon ang aking mukha sa pagitan ng aking mga tuhod.

"Makakaalis ka na! Pakibilisan lang dahil may darating akong mga bisita. Ayokong makita nilang nagtatago ako ng puta rito."

Napakalamig at napakalupit ng kanyang pananalita. Hindi na ako nakapagsalita sa sobrang sakit.  At doble ang sakit nito dahil s'ya ang nagsalita--ang nag-iisang lalaki na totoo kong minahal.

Umalis s'ya sa k'warto.  Hindi ko alam kung saan ito nagtungo. Nanlalambot ma'y binilisan ko ang pagbibihis at nagmadaling umalis; pero hindi ko dinala ang bayad n'ya.  Iniwan ko ito sa ibabaw ng magulong kama n'yang naging saksi ng kanyang pananamantala.  Oo, kailangan ko ng pera para sa renta, pero hindi ko kayang sikmurain ang bayad n'ya.  Ang sama-sama n'ya. Sa kabila ng lahat ng masasamang nangyari sa amin noon, hindi ko akalain na magagawa n'ya ang gano'ng kalupit na pag-apak sa aking pagkatao.

Magdamag akong umiyak.  Hindi ko alam kung ano tunay kong nararamdaman. Nasasaktan ba? Nahihiya? Nagagalit? Gusto ko na lang na mawala nang parang bula; ang tumigil na ang aking paghinga para matapos na ang lahat-lahat ng paghihirap ko.

***

“Sorry Samantha, huling palugit mo na ito.” Mataray na wika ng landlady ko, “Ang usapan na natin no'ng isang linggo,  babayaran mo ako ngayon o ikaw na mismo ang kusang aalis.  May mga kausap na akong gustong rumenta ng apartment na 'yan, willing silang magbayad ng tatlong buwan in advance. Kaya kung maaari, mag-impake ka na ngayon kung hindi ka pa rin makakabayad ngayon.”

Wala akong pamabayad.  Wala akong mahihiraman na hindi ko pa nahihiraman noon.  Ni wala nga akong perang pangtanghalian.  Buwisit na buhay, bakit kasi hindi na lang ako mamatay?

“Jon,”  Tinawagan ko si Jonathan mula s cellphone ko.  Hindi ko na mapigilan ang pag-iyak.

“O Sam, napatawag ka. Teka? Umiiyak ka ba?”

“Jon, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.  P'wede bang humiram ulit ng pera?”  Meron na akong mga utang sa kanya dati na hindi ko pa mabayad-bayaran.

“Magkano?”  Iritable ang boses ni Jon. Iniisip siguro nito na kinukuwartahan ko s'ya.  Galit na galit pa naman 'yun sa mga babaeng mukhang pera.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

Hindi naman akong mukhang pera eh.  Wala lang talaga akong pera.

“Mga 20,000 siguro.”

“Kailan mo kailangan?”

“Ngayon na sana, paalisin kasi ako sa tinitirahan ko kung hindi ako makakabayad ngayon.”

“Ok. Kunin mo na lang sa sekretarya ko anytime today.  I’ll be out of town for the weekend.”

“Salamat Jon ha? Wag kang mag-alala babaya--”

Binabaan na n'ya ako ng phone. Nakaka-offend pero kailangan kung lunukin. Alam din kasi siguro n'ya na hindi ko rin naman mababayaran ang lahat ng mga utang ko sa kanya kaya binabaan na lang n'ya ako bago ako mangakong muli.

Nag-ring ang cellphone ko. Si Bernie na naman ang tumatawag.

“Hello Sam, tumawag si Mr. Karl Montalban, naiwan mo raw ang bayad n'ya sa 'yo.”

“Hindi ko naiwan.  Iniwan ko talaga. Pakisabi mo sa kanya.  Putang ina niya! Isak-isak kamo n'ya sa mukha n'ya ang pera n'ya!”

“Eh pa'no 'yan, nag down na ulit siya sa akin. Magkita dmraw kayo ulit sa condo n'ya.”

“Isoli mo, I am not going.”

“Ha? Naku girl, hindi na p'wede, ipinangbayad ko na kasi sa mga bayarin dito.”

“Eh di magpadala ka ng ibang babae!”

“Eh ayaw nga ng iba, ikaw ang gusto.”

“Putang ina Bernie, ayoko na nga sabi eh!”

Binabaan ko na ito ng telepono.  Tarantadong bugaw. Pahamak talaga ito sa buhay ko kahit kailan.

Muling nag-ring ang cellphone ko.  Si Bernie na naman.

Harrrrr, Bernie papatayin na kita!

“Ano?’

“Parang awa mo na Sam. Binabawi n'ya ang ibinayad n'ya eh wala akong maibigay.  Please naman, bayad mo na sa 'kin 'to sa mga raket na ibinigay ko sa 'yo no'n!”

Bayad? T*manginang bugaw 'to! Hindi ba may cut naman s'ya sa lahat ng raket ko?

Pero teka...

Ano kaya kung gamitin ko na lang ang pagkakataong ito para makaganti sa Karl na 'yun. Tangina niya!  Bakit pa nga ba ako magpapakamartir?  Hindi naman ako pinapakain ng pagpapakamartir?

“O sige na nga!"  Bulyaw ko kay Bernie. "Anong oras daw?!”

[ITUTULOY]

Forbidden LoveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant