KABANATA 10

119K 1.5K 57
                                    

Karl's P.O.V.

Sa wakas pumayag na s'yang mag-usap kami nang maayos. Pero kailangan ko munang mag-concentrate sa pakikipag-usap sa napaka-imporanteng kliyenteng ipinunta ko rito para maisara ko na ang aming deal once and for all.  Kalahating taon ko na rin kasing tinatrabaho ito. Gusto ko sanang bumilis na ang oras.  Pero ewan ba kung bakit naman kung kailan gusto mo itong bumilis, lalong tila bumabagal ito.

Nagmadali akong bumalik sa hotel matapos kong matagumpay na naisara ang deal.  Sa sobrang excitement ko, sobra rin ang pagkadismaya ko nang hindi ko nadatnan do'n si Sam.  Chineck ko ang kanyang mga gamit, nadoon pa naman.  Lumabas lang siguro sandali para mamasyal.

Tatlong oras na ang nakalipas, wala pa ring Samanthang dumarating.  Nag-umpisa na akong mag-alala.  Lumabas na ako ng suite at hinanap ito sa mga common places ng hotel na pwede n'yang tambayan.  Nagtanong na rin ako sa mga receptionists, staffs at maging sa manager ng hotel.  Pero ni isa sa kanila'y walang nakapansin kay Sam.

Lintek na buhay! Wala na akong ginawa kundi ang hanapin s'ya nitong mga nakakaraang taon. Nakakabagot na ah!

Sa sobrang inis ko, bumalik na lang ako sa suite.  Sambakol na ang mukha ko dahil inis na inis na talaga ako sa kanya; pagod napagod na ako sa paghalughog sa bawat sulok ng mundo para lang hanapin s'ya.

***

“Saan ka nanggaling?!”  Nakasimangot ako. Apat na oras na kasi akong naghihintay.  “Madilim na ah.”

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

Bubuka na ang bibig n'ya para magdahilan, pero inunahan ko na ito para maibuhos ko ang sobrang pagkabuwisit ko sa kanya. 

“Hindi kita binabayaran para maglakwatsa!”

Nag-iba ng expression ng mukha n'ya.  Kung kaninang pag-pasok nito'y daig pa ang nalugi, ngayo'y kumunot na rin ang noo nito at pinamay-awangan ako.

“Ako? Naglakawatsa? Mabuti nga sana kung ganun!” Bulyaw n'ya sa akin.

“Puta! Kung hindi ka naglakwatsa eh saan ka nanggaling? Nanlalake ka na naman ano?! Ibang klase ka rin naman, dumayo ka pa rito sa Macau and to my expense!”  Mas nilakasan ko pa ang boses ko.

“Alam kong puta ako! Pero kailangan mo ba talagang ipangalandakan 'yan parati sa mukha ko?” Napapahikbi ito.

Huh?  Hindi naman 'yun ang ibig sabihin. Dahil nung sinabi ko yung, “Puta,” that was just to express my disgust.

“Sorry po senyorito” Umiiyak na ito nang tuluyan. “Naligaw po kasi ang putang ito kaya hindi ito nakabalik agad. Kung gusto n'yo, bawasan n'yo na lang ang bayad n'yo sa putang ito para hindi na kayo manghinayang sa ibinayad niyo!”

Dumiretso ito sa closet kung saan naroroon ang kanyang mga gamit.  Kinuha nito ro'n ang messenger bag na kinalalagyang ng 2.5 milyong pisong cash na ibinayad ko sa kanya at itinapon ang buong bag sa harapan ko.

“Heto na 'yung ibinayad mo!  Sa 'yo na lahat. Libre na lang yung nakaraang serbisyo ko. Uuwi na ako sa Pilipinas!” Tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha n'ya.

Bumalik ulit ito sa closet at nag-umpisang mag-impake.

Shit!  This can’t be happening!

Forbidden LoveWhere stories live. Discover now