Rizze Grizelda POV
Nakakainis na siya!!!
Masamang bangungot siya sa buhay ko. Para siyang kabute na bigla-bigla nalang sumusulpot. Gwapo sana kaso lang mayabang, kulang sa pansin at akala mo naman kung sino. Wala siyang ni katiting na karapatan para husgahan ako. Hindi pa nga niya ako lubos na kilala at sino siya sa akala na. Nakakainis talaga sa halip na maayos ang gabi ko naging masamang bangungot siya sa buong magdamag. Hindi tuloy naging maganda ang tulog ko.
Kinabukasan ay hindi talaga maganda ang gising ko. Naalala ko na naman kasi ang mayabang na lalaking yun, nawalan na tuloy ako ng gana buti nalang at nag text si kuya ang aking stress reliever.
Bago ako pumasok nagpadala muna ako ng maikling mensahe kay mommy. Alam kong naghihintay siya at magwawala yun pag hindi ko man lang siya naalala.
Gaya ng nakagawian, sumakay ako ng jeep papasok ng school. Ang kaibahan nga lang ngayon ay hindi ako pinagbayad ni mamang driver. Si Mang Kanor kasi ang namamasada isa siya sa mga nakakwentuhan ko kagabi. Buti nalang kahit papano ay may magandang nangyari ngayon. Masaya akong bumaba at nagpasalamat.
Medyo maaga pa naman kaya naglakad lakad muna ako sa ground ng school bago magsimula ang klase. At para makasigurado na hindi ako malate ay nag set ako ng alarm. Kailangan ko lang talagang mag release ng bad vibes.
Kahit siguro araw araw akong tumambay dito ay hindi ako magsasawa. Ang ganda kasing pagmasdan ng mga naglalakihang puno na nagbibigay ng malamig na simoy ng hangin sa kapaligiran. Ang aliwalas hindi tulad sa Manila na halos maduming usok na ang aking nalalanghap. Kaya ng biglang umihip ang sariwang hangin ay kusang pumikit ang aking mga mata at dinama ang malamig na simoy nito. Nang mag mulat ako. "Ay gwapong kabute. Shit! What the hell?" Gulat kong sabi.
Ang taong nasa harapan ko ngayon ay matamang nakatitig sakin na kala mo ay ngayon lang ako nakita, bigla tuloy akong nailang. Ang mapupungay nitong mga mata na laging nangungusap kahit sobrang seryoso ay hindi man lang nakabawas ng ganda nito. Napayuko ako. Ano ba kasing iniisip ko at may pagpuri pa akong nalalaman. Galit ako sa kanya diba. Shit talaga. Kanina pa kaya siyang nakatingin sakin? Ano kaya ang nasa isip nya? Hay... Pag minamalas ka nga naman. Wala naman akong balat sa puwet pero lagi nalang akong sinusundan ng malas. Inis ko itong tinabig na ikinabigla nito.
"You are blocking my way Mister."
Tumawa ito ng nakakaloko. "May pagkabayulente karin pala Miss." Pagkatapos niya akong husgahan kagabi may gana pa itong kausapin ako. Ang kapal talaga.
Pinigilan kong hindi magalit at hinabahan pa lalo ang aking pasensya pero hindi ko pala talaga kaya pag dating sa lalaking ito. Inuubos niya ang pasensya ko.
"What is your problem ha?!!" Sigaw ko. Wala akong pakialam kung pagtinginan man kami ng mga echuserang mga studyante. Namungay ang mga mata nito at nginitian ako ng nakakaloko. "You" sagot nito at tinalikuran ako. Abat bastos din pala ang kabuteng ito. Bigla nalang umalis at iniwan ako. Nakakapang gigil sa inis.
Nagsimula na ang klase pero wala talaga akong maintindihan. Lumilipad kasi ang isip ko at kagagawan lahat ito ng taong kabuteng nasa gawing kanan ko. Lumingon ako dito at seryoso itong nakikinig sa pinag sasabi ng aming guro. Akala mo naman ang bait bait, mala angel nga ang mukha mala demonyo naman ang ugali. Napapailing nalang ako. Ano ba talaga ang problema nito sakin?
"Miss Lopez. Are you with us?" Napapitlag ako at bahagyang nagulat sa pagtawag ni Professor Lexi. "Are you listening?" Ano raw?
BINABASA MO ANG
How can I tell you? #Mus-alonlymAward20
RomanceHim: Vince Drake Samanego Sino ka bang talaga? "You might be able to fool them by your charm pero hindi yan uubra sakin." Her: Rizze Grizelda Lopez Ano ba ang nalalaman mo? "Really, how confident are you? Ngayon palang sinasabi ko na sayo, baka kai...