Chapter 19 Deal

26 4 0
                                    

Rizze Grizelda POV

"Kuya payagan mo na ako please." Pangungulit ko kay Rixx.

"No as in no. Hindi ka ba nakakaintindi." Sabay talikod sakin.

Sumugod ako sa apartment ng kapatid ko after my class. Napagpasyahan kong dito muna manatali ng buong weekend hanggat hindi ko nakukuha ang gusto ko.

Hinabol ko siya sa kitchen. "Kuya naman!." Sigaw ko.

"Sige sumigaw ka pa Princess. Paano kita papayagan ha. Tell me." Pagbabanta nito.

Pinagbabato ko nga siya ng marshmallow.

"Stop it Princess, ano ba! Sinabi nang tigil eh."

Nahinto kami sa pagbabangayan ng may nagtawanan sa aming likuran. "Anong kailangan niyo." Pasigaw na sabi ko sa mga ito. Dumating kasi ang mga barkada ni Rixx.

"Oh bakit mainit ata ang ulo ng mahal naming prinsesa." Bungad samin ni Warren na ngayon ay nilalantakan na ang pagkain namin. Sa inis ko ay pinagbabato ko rin ito ng marshmallow at sa halip na umiwas ay isa-isa nila itong sinalo.

Hinarap kong muli ang kapatid ko.
"Sige na please, pumayag kana kuya. Konti nalang ang savings ko baka nga hindi na ito umabot next month."

"Pagbigyan mo na kasi Rixx para matigil na. Sayang naman ang mga marshmallow oh." Natatawang sabi ni Warren.

"Shut up Warren." Singhal ni kuya sabay agaw sa hawak kong marshmallow. Nagmamadali itong nagtungo sa sala kaya sinundan ko ito ngunit laking gulat ko ng matanaw ang paparating na si Vince. Wala pa mang ilang minuto ay nasa harap ko na ito.

"Vince mabuti at dumating ka." Bati ni kuya saka nakipagkamay. Tinapunan ako ng tingin ni Vince.

"Hi Grizelda." Ngayong nasa harap kuna siya ay hindi na ako mapalagay. Nahihiya kasi ako sa inasta ko noong isang araw.

Nagsilabasan naman from the kitchen sina Kurt, Harold, Paul at Warren, tapos na atang lantakan ang pagkain namin.

"Gabi na princess gusto mo bang ihatid na kita.?" Sinamaan ko ng tingin ang kapatid ko.

"Dito ako matutulog at dito rin ako mag stay ng buong weekend." Sabi ko sabay upo sa sofa at pinagcross ko pa ang dalawang braso ko.

"No freaking way." Pag apila ni Kurt.

"At bakit hindi. Sayo ba itong bahay? For your information ang kapatid ko ang umuupa dito." Sabay irap ko.

"Princess you can't stay here we have boys drinking night."

"So what? Sa guest room naman ako matutulog at wala akong pakialam kahit anong gawin niyo ngayong gabi." Pagmamatigas ko.

"Rizze Grizelda!" Inismiram ko lang si kuya.

"Hanggat hindi ka pumapayag sa gusto ko RIXX dito muna ako." Pang iinis ko sa kapatid kong umabot na ata sa boiling point.

Tumalikod si kuya at nagtungo sa kanyang kwarto. Napapitlag ako ng malakas nitong isinara ang pinto dahilan para lahat kami ay matigilan.

"Oh oh, patay ginalit mo ang kapatid mo Rizze." Napapakamot sa ulong sabi ni Paul.

"Don't worry about him. Kilala ko si kuya drama lang niya yun. Trust me." Mayabang kong sabi. Napausod ako ng tumabi sakin si Vince. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ng may ibulong ito sakin.

How can I tell you? #Mus-alonlymAward20Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon