Chapter 1

179 11 0
                                    

Ji-Eun's POV.

Pagdating ko sa bahay ay agad kong binuksan ang ref at kumuha ng beer,binuksan ko ito at iinom na sana ako ng may biglang umagaw ng bote.

"Ji-Eun!Bawal sayo yan".    Inis na sabi ni Taehyung Oppa ng makatingin na ako sakanya agad ko siyang niyakap at humagulgol sa iyak.

"What happend?".   Hindi ko siya sinagot,umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa medyo nagiging ok na ako.

Umaklas na ako sa pagkakayakap ko sakanya at nagkatinginan kami.

"Ano bang nangyari sayo?".   Nag-aalalang tanong niya.

"Wala na…wala na kami…tinapos na niya…".    Paputol putol na sabi ko.Umupo ako sa upuan at umiyak muli.

"Sinabi mo na ba?".   Hindi ako nakasagot sa tanong niya.  "Fuck that kid! Iniwan ka niya dahil hindi niya kayang panagutan yan?Huh!Gago siya…".   Sigaw niya at akmang aalis na siya ng pigilan ko siya at hinawakan ko yung kamay niya.Lumingon siya saakin.

Yung kaninang galit na galit na mukha niya ay napalitan ng awa at pag aalala.Ayokong masira yung pagiging magkaibigan nila ng dahil lang saakin.At ayokong may lumabas na balita na nagaway sila ng dahil lang saakin.At ayokong malaman ni Jungkook na buntis ako.

"Taehyung Oppa…".    Mahinang sabi ko at napayuko saka tumulo muli ang luha ko.  "H-hindi ko nasabi sakanya…".   Sabi ko at binitawan ang kamay niya saka nilaro-laro ang kamay ko.

"ANO!BAKIT HINDI MO SINABI! ANO NALANG ANG MANGYAYARI SAYO!! Tangina naman Ji-Eun!Nag iisip ka ba? Inisip mo manlang sana yung kapakanan niyo ng magiging anak mo! Bakit kayo naghiwalay kung ganun?Sabihin mo nga sakin! Tungkol ba to sa pagkapasa niya sa BigHit Ent. nung nag audition siya?huh?".   Napasinghap ako at inangat ko yung ulo ko.

"Oo…OO! MAS PINILI NIYA YUNG MAGIGING CAREER NIYA KESA SAKIN!!! OO DAHIL DUN KAYA SIYA NAKIPAGHIWALAY SAAKIN! PINILI KO NALANG INTINDIHIN YUN DAHIL AYOKONG MAGING MUKHA TANGA SA HARAP NIYA! HINDI KO SINABI NA BUNTIS AKO DAHIL GUSTO KONG MATUPAD NIYA YUNG PANGARAP NIYA! AYOKO NA…AYOKONG MASIRA YUN NG DAHIL SAKIN!AYOKONG MASIRA YUN DAHIL MAHAL KO SIYA…mahal na mahal ko siya Oppa…".    Sabi ko at pinunasan ko ang mga luha ko. 

"Mahal mo siya? Mahal ka pa ba niya? Kung mahal ka niya dapat mas pipiliin ka niya kesa sa kinabukasan niya! Matutupad pa naman niya yung mga yun kung gagawa siya ng paraan! Isipin mo nga Ji-Eun!! Paano na yung magiging anak niyo!! huh!!".

"Ewan ko sayo!Kesa naman sa pagsabihan mo ako ng kung ano ano!sana hindi ka nalang pumunta dito para pagsabihan ako ng ganyan… hindi ka nakakatulong eh…".   Dagdag ko pa at umakyat na ako sa taas at dumeretsyo ako sa kwarto ko.

Hindi ko alam kung ano ng magiging buhay ko ngayun,hindi ko na alam kung ano ng mangyayari sakin,hindi ko na alam kung ano ng mangyayari sa kinabukasan ko.

Sabi ko dati hindi ko kayang mabuhay ng wala siya at ganun din ang sinabi niya pero ano to…iniwan na niya ako diba?pero kaya pa rin niyang mabuhay!

Pero kahit ganun gusto kong itatak sa isipan ko na wag akong magalit sakanya dahil hindi naman niya ginusto ang mga yun pero ang sinasabi naman ng half ng utak ko ay magalit ako sakanya dahil mas pinili niya yung career niya kesa sakin.

Hindi ko na alam kung ano ba talaga!Gusto ko ng mamatay…at nagpapasalamat nalang ako dahil may nabubuhay pa pala sa sinapupunan ko dahil kung hindi ay baka nagsuicide na ako dito.





Wala na akong ginawa maghapon at magdamag kun'di ay umiyak lang ng umiyak ARAW ARAW habang iniisip ang mga nangyari noong mga nakaraang linggo.Minsan napapangiti nalang ako dahil sa mga masasayang araw na nangyari saamin ni Jungkook.

Pagbukas ko ng T.V ay nalungkot nanaman ako ng makita ko si Jungkook doon na iniinterview ng mga reporters.Kasama niya sila Namjoon,Hoseok,Seokjin,Yoongie,Jimin,at Taehyung Oppa. Ang mga kaibigan niya.Si Taehyung Oppa lang ang kaclose ko at si Jimin Oppa ay pinsan ko at close din kami niyan.

"Yung interview yan kahapon ah…".   Napatingin ako sa gilid ng may nagsalita at nakita ko si Jimin Oppa na nakatayo roon at mayhawak hawak na kape habang tinitimpla ito.

"Oppa…".   Mahinang sabi ko,umupo siya sa tabi ko at pinatong muna niya yung kape niya sa mesa at tinignan ako.

"Ok ka na ba?".   Tanong niya at hiwakan ang buhok ko na para bang inaayos ito.  "Namimiss ko na yung little sister ko…nasan na kaya siya?nakita mo ba siya?".   Napangiti nalang ako sa sinabi niya.

"Oppa hindi na ako yung little sister mo dati magkakapamangkin ka na kaya…".  Nakapout na sabi ko kaya natawa siya at inakbayan niya ako saka niya ako hinila ng kunti sakanya.

"Alam kong masakit parin para sayo ang mga nangyari…kaya napagdesisyonan namin nila Tita na sa Australia ka muna tumira kasama ang magiging anak mo at alam kong maaalagaan ka dun nila Tita at Tito,bibisita rin naman ako dun eh".   Napaupo ako ng maayos sa sinabi niya.

"Ano?pero…".  Napabuntong hininga nalang siya at bagot akong tinitigan.

"Ji-Eun…Ayokong nakikita kitang ganyan…Oppa mo ako kaya gusto ko lagi kang masaya,gusto mo bang maging unhealthy ang magiging pamangkin ko? At mas mababantayan ka nila dun dahil hindi na ako dito uuwi simula next month".   Napabuntong hininga nalang din ako at bagsak balikat akong tumango.

"Kung yan ang desisyon niyo ni Umma para sakin gagawin ko… may sinabi ba sayo si Jungkook?Uhmm…meron ba siyang tinanong sayo?".  Kunot noo siyang napalingon saakin.

"Wala naman…bakit nagusap na ba kayo?".   Pilit nalang akong napangiti,akala ko…akala ko may sinabi si Jungkook para saakin pero akala ko lang pala yun.Puro nalang akala… bwisit na AKALA yan…

Pagpunta ko sa Australia,maguumpisa nalang ulit ako at gagawin ko ang lahat para maging maayos ang buhay namin ng magiging anak 'KO' kahit walang ang Appa niya kakayanin ko parin dahil nandyan ang family ko para supportahan kami.

Itutuloy ko ang pag aaral ko pagnailabas ko na ang magiging anak ko sa sinapupunan ko.Ipapangako ko sa sarili ko na matutupad din ang pangarap ko ng wala siya…

Ipapangako ko sa sarili ko na sa pag dating ng araw na yun ay hindi ko siya hahabulin para lang maging kami ulit dahil siya ang hahabol saakin… o saamin? Hindi! Ayokong malaman niya na may anak kami dahil baka itaboy lang niya ang anak ko kung malaman niya ito,syempre mas pipiliin niya yung career niya para hindi yun masira iiwasan niya kami.

Isinusumpa ko siya! Magiging pangit siya XD.... Nongdamha ^.^

(Nongdamha means Joke)

______________________________________







@KiaMineKookie

I Hide It To YouWhere stories live. Discover now