Chapter 5

92 6 0
                                    

Jungkook's POV.

Nagpaalam ako sa manager namin na pupunta ako sa Australia kami pala ni Jimin Hyung may pupuntahan daw kasi kami at manonood din daw siya sa concert ni Ji Eun kaya pumayag nalang ako.Sumama yung dalawang body guards para daw mabantayan kami.

Bawal kaming gumala-gala ng basta basta dahil baka daw may makakita saaming mga fan girls at baka gawan pa kami ng masama,ang gwapo ko kasi kaya ayun hinahabol nila ako.
(A/N:Pag pasensyahan niyo na po😂😂 yung mga Jungkook's stans😂 Mianhe😘😘)

Si Ji Eun.Alam ko namang nagpapakipot lang yun kita niyo hah hindi ko pa nga siya niligawan tapos naging kami na nung ako ang unang umamin sakanya.Napangiti nalang ako nung maalala ko yung araw na yun.

Yung araw na sobrang saya ko,sobrang saya namin.Yung araw na parang ayoko ng tapusin.Yung araw na…yung araw na gusto ko ulit balik-balikan.Kung totoo lang talaga ang Time Machine babalikan ko yung araw na yun siguro baka kasama ko pa si Ji Eun ngayun baka nga kinasal na kami eh.

Ang tanga ko kasi,mas inuna ko pa yung pangarap ko kesa sakanya.Oo na selfish na ako,hindi ko naman kasi alam na ganito ang madadatnan ko pag dating ng araw.Yung araw…yung araw na to…

Sa totoo lang,plano ko talagang balikan siya pag ok/pwede na ang lahat.

Napabuntong hininga nalang ako at inayos ko na yung mga gamit ko.Nakita ko si Tae-Hyung,nagkatinginan kami at nilagpasan niya ako.Simula nung araw na nakipaghiwalay ako kay Ji Eun ay yun din yung araw na nagkagalit kami.Pinapakita lang namin sa camera na close kami pero sa totoo ay hindi.Magkaibigan kami noon at hindi naman ako galit noon eh!Nagselos lang ako,pero ngayun magkagalit na kami dahil sa ginawa ko kay Ji Eun.Si Ji Eun na best friend niya.

Gusto ko nga sana na...sana lagi nalang may camera para lagi siyang mabait saakin at alam ko naman na gusto na rin niyang makipagbati saakin dahil napapansin ko rin yun pag nagsho-shoot kami at sinabi din saakin ni Jimin Hyung yun.

At nagpapasalamat nga ako dahil hindi galit saakin si Jimin Hyung pero minsan nagkakatampuhan kami lalo na pag inaasar ko siya.

"Taehyungie…".   Pagbabati ni Jimin Hyung ng makapasok siya sa loob ng kwarto at tinap niya yung balikat ni Tae-hyung.

"Jiminie Hyung…I know that you will going to see------".     Hindi ko na narinig yung iba dahil binulong na niya ito kay Jimin Hyung para hindi ko marinig.Fuck as that.

Napahiss nalang ako at zinipper ko yung maleta ko saka isinandal ito sa pader at humiga ako sa kama.

"Jungkook-ah,Jimin-ah,Taehyung-ah!Kain na!".   Sigaw ni Seokjin Hyung sa baba kaya bumangon na ako sa kama at naunang bumaba habang yung dalawa ay may ginagawang kamilagrohan.Nongdamha…Joke lang hahaha…

Nakita kong nakaupo na silang apat kaya umupo na rin ako at ganun din yung dalawang kabababa lang.

"Jiminie…Saan kayo pupunta ni Jungkook?".   Tanong ni Namjoon Hyung kaya napatingin kaming dalawa sakanya.

"Sa Australia…we will going to see IU…".   Natutuwang sabi ko at nakita ko namang nagsmirk si Namjoon Hyung.

"HAHA…Got'cha! I videod what you said a while ago…Hahaha".    Sabi niya at nagtawanan sila saka plinay ni Namjoon Hyung yung phone niya saka plinay yung video.

"Jiminie…Saan kayo pupunta ni Jungkook?".  

"Sa Australia…we will going to see IU…". 

At halata ngang ang saya saya ko.

"Yah! Don't post it in public…".    Sabi ko at kinuha yung cellphone ko.

"Why? We will going to post it…I'm sure kikiligin si IU dito…".   Sabi ni Namjoon Hyung habang nakatutok parin sa phone niya at tawa ng tawa.

"Aish~ pagalitan sana kayo ni PDnim…".   Sabi ko at kumain nalang.

IU's POV.

Nandito na ako sa Australia kasama ang mga body guards yung manager ko at yung assistant ko at yung iba pang mga staff para sa gaganapin na concert.

Maraming tao ang sumalubong saamin at halos hindi na ako makahinga pero nanatili parin akong maayos sa harap nila at nakangiti saka ako nagwawave sakanila at nagsign ng heart kaya mas lalo pa silang naghiyawan.

Ng makalabas na kami ay nagbye na ako sakanila at sumakay na ng Van.Isinandal ko muna yung likod ko sa upuan at kinuha ko yung cellphone ko.

Bakit ba si Jungkook pa ang lockscreen ko? Haiyst~ kinikilig tuloy ako.Nagopen muna ako ng twitter ko at ang unang bumungad saakin ay yung pinost ng BTS (bts_twt) yung real acc. nila may video dun.

"Jiminie…Saan kayo pupunta ni Jungkook?".  

"Sa Australia…we will going to see IU…". 

Halata ngang masaya siya.

Kikiligin na sana ako pero naalala ko na may tinatago pala ako sakanya dito sa Australia at…at bakit kasama si Jiminie Oppa? Hindi kaya…

No way…wag naman sana…
Hindi, Ji Eun stay calm.OK.Huminga ako ng malalim at umayos ng upo.Tinawagan ko si Jiminie Oppa at sinagot naman niya ito agad.

"Hello?Ji Eun ikaw pala...".  Paunang bati niya na parang masaya pa ata.

"Totoo ba?".

"Ang alin?".

"Na pupunta kayo dito sa Australia?Oppa… anong balak mong gawin?".   Inis na sabi ko.

"Wala bibisitahin ko lang si Baby
Ju Seun…".

"Ng kasama si Jungkook?".   Pagpapatuloy ko sa sinabi niya.Narinig kong napabuntong hininga siya.

"Ji Eun…Sabihin mo na kaya sakanya…mamaya----".

"No, Oppa… hindi ko sasabihin sakanya at wag na wag mo siyang ipapakita sa anak KO! ".   Sabi ko at madiin na sinabi yung word na 'Ko'.

"NIYO! Anak niyo Ji Eun… Naaawa na ako sa pamangkin ko ,gusto na niyang makita yung Appa niya tapos ano to? Bakit? Bakit ayaw mong malaman niya?".

"Pagnalaman niya yun alam kong iiwan din niya kami at sino ang mas madadamay? Yung anak ko diba? Kaya please lang… bigyan mo muna ako ng panahon para sabihin sakanya yun…".    Pagmamakaawa ko at napansin kong kanina pa pala ako tinitignan nung assistant at manager ko.

"Aish~ bahala ka nga…".    Inis na sabi niya at binaba na yung tawag.

"Bakit? Anong pinagusapan niyo?".   Tanong ni Manager,napapikit muna ako ng mariin saka nagsalita.

"Pupuntahan na sana ni Jiminie Oppa si Ju Seun kasama si Jungkook pero pinigilan ko sila…".

"Ano? IU,sinasabi ko na sayo to ah,sabihin mo na ng mas maaga para wala ng gulo at baka pag siya pa ang nakaalam nito baka mag eskandalo siya dito…IU alalahanin mo,nakasalalay yung career mo dito…".  Tumango tango nalang ako at tumingin na muli sa harap.

"At nga pala…alam kong namimiss mo na si Baby Ju Seun kaya pupuntahan natin siya pagkatapos ng consert mo para naman hindi ka na nalulungkot…".    Napangiti ako sa sinabi niya.

Sasabihin ko na ba sakanya yung about kay Ju Seun? Pero… paano kung iwan niya kami o kaya agawin niya saakin si Ju Seun?

Napatingin ako sa picture ni Jungkook at ako pero nakacrop lang siya,yun kasi yung lockscreen ko na ginawa ng mga fans na nagshiship saamin.

Napangiti nalang ako ng maalala ko yung kanina,yung sinabi niya sa video…

Kung sasabihin ko man sana sakanya ang lahat ay sana…sana walang mangyayaring masama na ikakaiyak at lungkot ko ulit.

_________________________________


@KiaMineKookie

I Hide It To YouWhere stories live. Discover now