Fifteen Seconds

195K 961 80
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, businesses,
organizations, places, events and incidents either are the
product of the author's imagination or are used fictitiously.
Any resemblance to actual persons, living or dead, events,
or locales is entirely coincidental. Plagiarism is a crime.

FIFTEEN SECONDS
...i fell inlove with my brother.
written by thephantelle


1...2...3

"Bakit ba kasi ang playboy niyong mga lalake? Dahil sa mga panloloko niyo, maraming umiiyak na babae. Hindi naman kami mga laruan na pwede niyong paglaruan! Tao rin naman kami. May feelings!"

Tiningnan mo ako sa mata at ika'y ngumiti. Hindi ko alam kung bakit ito ang aking nararamdaman. Pero ang alam ko, kailangan ko itong pigilan... bago pa lumalim.

"Wag mo naman kaming nilalahat. Oo, may mga lalakeng manloloko pero hindi pa rin mawawala ang mga lalakeng tapat kung magmahal."

4...5...6

"Bakit? Kabilang ka ba sa mga lalakeng tapat kung magmahal?"

Muli mo akong nginitian at muling bumilis ang tibok ng puso ko.
Hindi ito tama, hindi ito dapat... maling-mali.

"Oo. Kapag nakita ko na ang babaeng para sa akin, hindi ko na siya papakawalan. Araw-araw kong ipaparamdam sa kanya kung gaano siya kaimportante sa akin. Hinding-hindi ako magsasawang sabihin sa kanya na mahal ko siya."

7...8...9

"Ang swerte naman ng magiging... girlfriend mo."

Sana ako na lang. Pwede bang ako na lang?
Nahihibang na naman ako, pinapangarap ko ang isang bagay na malabong magkatotoo.

"Kaya kapag nagkagirlfriend ako, dapat siya na talaga. Ayaw kong gumaya sa ibang lalake na maraming naging girlfriend. Gusto ko isa lang. Yung tipong first and last. Gusto ko yung una kong girlfriend... siya na rin ang babaeng dadalhin ko sa altar at mamahalin habangbuhay."

10...11...12

"Ang drama mo talaga, kuya."

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nainlove ako.
Hanep ka, kupido. Bakit sa kuya ko pa?
Please... sana mali 'tong nararamdaman ko.

"Basta, ikaw, wag ka munang papasok sa isang relasyon. Bata ka pa. Ayaw kong masaktan ka. Ayaw kong makita kang umiiyak dahil sa isang lalake. Mahal na mahal kita, bunso."

13...14...15

Fifteen seconds... nainlove ako.
Sa loob ng labinlimang segundo, nahulog ako sa kuya ko.

Kuya... pwede mo ba akong saluhin?
Natatakot kasi akong bumagsak.
Natatakot kasi akong masaktan.

Fifteen SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon