VIII. Ice Cream (Daniel)

29.2K 417 41
                                    

Pagkagising ko, wala na si bunso- si Kath sa tabi ko. Ang aga naman atang nagising ng babaeng 'yon. Hanggang ngayon, mahirap pa ring aminin na ampon ako. Hindi ako anak ni mama at ni papa, hindi ko kapatid si Kathryn. Sino kaya ang tunay kong magulang? Si Aling Rosing? Ba't parang may alam siya... ba't parang binabalaan niya ako. Pero ang tanda naman ng nanay ko kung siya nga! Aish! Agang-aga, kung ano-anong naiisip ko.

Pero pusanggala, ang sakit sa ulo mag-isip.

Pakiramdam ko ang bobo-bobo ko. Nakakainis.

"Kuya!!" Biglang bumukas ang pinto. Si bunso pala ang sumigaw. May karapatan pa ba akong tawagin siyang bunso? Eh... hindi ko naman siya kapatid, eh.

"Problema mo?" tanong ko sa kanya.

"Aga-aga, suplado! Anyway, magrock-climbing tayo!!!!"" sigaw pa rin niya. 

"Ano na namang trip mo at gusto mong magrock-climbing? Sobrang aga pa, utang na loob!" pabalik kong sigaw sa kanya. Takte, ba't ba kami sumisigaw?!

"Hindi naman kita pinipilit, eh. I'll go hanap nalang kay CJ kasi sure ako na papayag siya." maarteng sabi ni Kathryn at binelatan pa ako. 

"Aish! Sasama na. Bad trip." saad ko.

Nakita ko namang ngumiti si Kathryn. Ngiting tagumpay.

Pumunta ako sa banyo para maligo. Okay na rin siguro 'to. Para malinlang muna ang utak ko. Para hindi ko muna isipin ang mga narinig ko kagabi. Masakit kasi sa puso. Kahit lalake ako, masakit, syempre. Bakit babae lang ba pwedeng magdrama?

Pagkatapos kong magbihis ay hinila agad ako ni Kathryn doon sa may mataas na pader at may mga batong nakadikit dito. Naghihintay na sa amin si Julia at si CJ.

"O ano? Game na?" tanong ko kay Kathryn.

Hindi nagsalita si Kathryn pero ngumiti siya bilang pagsangayon. Si Kathryn ang unang umakyat sa mataas na pader. Habang ako, nasa baba niya. Ako pa rin ang kuya ni Kathryn.

Ako pa rin ang proprotekta sa kanya, kahit ampon lang ako.

08:36 pm 

Hindi na namin namalayan ang oras. Gabi na pala at kailangan ng magpaalam ni CJ, Julia, tita Krizel at tito Aga. "Bye, guys! See you, soon!" sigaw ni Julia at nagmaneho na si tito Aga palayo sa amin. May kailangan pa ata silang ayusin kasi babalik na sila sa Pilipinas. Sapat na raw ang naipon ni tito Aga at tita Krizel kaya naisipan nilang bumalik na sa Pilipinas.

Pagkatapos, pumunta na kami sa sari-sarili naming kwarto.

"Kathryn! Dito ka lang, ha? May sasabihin lang ako kanila mama! Kapag lumabas ka ulit katulad noong ginawa mo kanila lola... malilintikan ka sa akin!" pananakot ko kay Kathryn. 

Fifteen SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon