VI. Childhood Memories (Kathryn)

30.3K 403 29
                                    

@kitkath
"I hate goodbyes..."

"Mga, apo. Magpapakabait kayo, ha? Gawin niyo ang tama at ang sinasabi ng puso niyo. Wag na wag niyong iisipin ang sasabihin ng iba. Basta alam mong tama, go lang kayo. Osha, bye na. Mamaya, magkaiyakan pa 'to. Baka pumanget lang ako." nakangiting sabi ni lola sa amin ni kuya. Pero parang tutulo ang luha niya, anytime.

"Lola naman! May ipapanget pa kayo?!" nakangising saad ni kuya.

Sinamaan siya ng tingin ni lola. "Isa pa, Daniel... pepektusan na kita."

"Joke lang 'la. Kayo po ang pinakamagandang lola sa buong mundo. I love you, lola." sabi ni kuya at niyakap ng sobrang higpit si lola.

"I love you too, iho."

"Lola, mamimiss ko po kayo ng sobra-sobra. Dadalawin po namin kayo soon. I love you, lola Bambi." sabi ko kay lola at niyakap rin siya ng sobrang higpit. 

Hinalikan ni lola ang pisngi ko. "Mahal na mahal kita, iha." Bumitaw si lola sa yakap. "Osha, osha... pumunta na kayo sa airport. Naghihintay na ang mga magulang niyo. Mag-iingat kayo. Mang Pio, dahan-dahan lang ang pagdaadrive, ah?"

Tumango naman si Mang Pio bilang kasagutan. Pumasok na kami ni kuya sa kotse. 

"Matulog muna kayo, iha at iho. Medyo malayo pa naman ang airport dito." sabi ni Mang Pio sa amin at pinaandar na ang makina ng sasakyan.

"Bunso, ikaw naman matulog sa balikat ko." sabi ni kuya. Simula noong nangyari kagabi, sobrang protective ni kuya. Oo, protective siya pero mas tumaas pa 'yung level. "Wag kang aalis sa tabi ko, ah? Baka mapahamak ka ulit." bulong ni kuya.

Napangiti na lang ako at pinatong ang ulo ko sa balikat niya. Hanggang sa makatulog ako ng mahimbing sa piling ni kuya. Iyown, piling, deep.

"Bunso, nasa airport na tayo.." mahinang saad ni kuya sa akin.

Para bang nabuhay ang katawang lupa ko. Sobrang nabuhayan ako at dali-daling tumingin kung nasaan sila mama. Nang makita ko sila, dali-dali rin akong tumakbo palapit sa kanila. Naiwanan ko na nga si kuya dahil sa pagmamadali ko, eh.

"Mama, Papa!" sigaw ko.

"Uwaaaaa, anak kong pretty!" sigaw rin ni mama ng makita ako. Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Uwaaaaa. Nakakaiyak ang moment na 'to.

Niyakap ko rin ng sobrang higpit si papa. "Ang maganda kong anak." nakangiting saad ni papa. Uwaaaa, buti pa ang magulang ko, full-support sa kagandahan ko!!!

I FEEL SO LOVED~!!!!

"Yow mama, yow papa!" sigang sigaw ni kuya kanila mama at papa.

Fifteen SecondsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon