32

23K 506 19
                                    

32

Hindi kinaya ni Penelope yung narinig niya. Kaya pala parang walang epekto ang mga pagpapa charm niya kay Kenan. Kaya pala hindi man lang siya nito nililigawan. Ni hindi nagtatake advantage sa kanya kahit pa nga nagpapakita na siya ng konting motibo….konti lang naman!

May mahal pala itong iba!

“It’s so ouch talaga! As in!” Tinawagan niya si Wella, her bestfriend, isa ito sa mga nakakaalam na kunwari lang ang lahat.

“Relax lang Penelope, malay natin naka move –on na siya sa girl nay un, kaya nga pumayag na siya sa set-up nyo, di ba?”

“What if he’s not! Like kaya he made payag because he’s making me as panakip hole.”

“Panakip butas!” Ulit ni Wella.

“Yah! It’s still the same. I don’t like to be a panikip-hole, Wella! I just so love him. Ayan! I made amin na talaga! It’s just that, I’m really hurt! I thought we have a chance, Wella, it’s my maling akala lang pala!”

Di naman alam ng kaibigan niya kung anong gagawin kay Penelope. Di niya alam kung maawa ba siya o ano. Hindi kasi tunog seryoso. Malamang kung nakikita niya ito, matatawa siya sa mga facial expressions.

“Tinanong mo na ba siya about that girl?”

“Not yet.”

“O hindi naman pala! Kausapin mo muna Penelope,mamamaya umaatungal ka jan pagkatapos naman pala mali ang akala mo. Talk to him, okay.”

***********

Nagtataka si Kenan bakit hindi pa lumalabas ng kuwarto niya si Penelope. Baka nakatulog na naman, nung sa Koronadal sila napaka antukin nito. Kakain na sila ng pananghalian, nakapagluto na siya. Nagpasya na lang siya na katukin ito.

“Penelope?”

Narinig ni Penelope ang tawag ni Kenan. She’s not yet ready to see him pa.

“Kakain na tayo, Cookie.”

Wala siyang choice, kailangan niya itong harapin, ano naman kasi ang irarason niya, di ba? Hindi naman sila nag-away. E kung may sakit na lang kaya siya? Tama! May sakit siya.

Ginulo na muna niya ang buhok niya, pinatamlay ang mukha na hindi niya alam kung mukhang matamlay ba o namatayan.  Bahala na nga si Dora!

Reyna ng Arte V.S. Hari ng DeadmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon