48

23.1K 629 19
                                    

48

Hindi pa rin makapaniwala si Penelope na talagang niyaya siya ni Kenan nang kasal! At take note, sa harap ng maraming tao. Overwhelming happiness! Akala pa naman niya, aabot pa siya ng 40 years old bago ito mag-aayaw, mag-iipon pa ng bongga!

“Mamon, I’m still kilig! For real na our realationship, right?” pauwi na sila ngayon ng bahay ng dalaga, sasabihin kasi nila sa Daddy at Mommy niya pati na rin kay Pranco na niyaya na siya ni Kenan na magpakasal.

“Kinikilig rin ako.” Natatawa si Kenan. Nahawa na yata siya sa nobya. Masyao kasi itong expressive sa nararamdaman niya, hindi nahihiyang magsabi.

“Kenan, who should make hati with the gastos ha, like I am in charge of my gown na ha and other things.”

Heto na ng aba ang sinasabi niya. Feeling niya kasi, may obligasyon siya na mag-isang gumastos sa kasal since siya ang lalaki. Ayaw niyang maglabas ng pera ang Cookie niya.

“No, Cookie, ako na ang bahala.”

“Duh! Like, it’s different na, gone are the days that it’s only the lalaki who will make gastos! Mamon naman eh!” Nagmamaktol na siya.

“Basta ako na ang bahala, magpagawa ka ng gown kung saang designer mo gusto, sabihin mo kung saang reception o saang simbahan, o kung ilan ang bisita, basta ako ang gagastos ng lahatt. Naintindihan mo ba?”

“Ehhh..” Gusto sanang itanong ni Penelope kung paano siya magbubudget pero nahihiya siya.

“Ano? You will be asking me kung saan ako kukuha ng ipanggagastos?” Natatawa si Kenan sa hitsura ng kaharap. Duda yata ito na may pera siya. Asarin kaya niya.

“Y-yah. Like, don’t be angry ha.”

“Simple, simula ngayon, maghahanap na ako ng mga buyers ng taxi ko. Ibebenta ko na ang machine shop ko, at lahat ng poso negro ng kalapit village pati na sa susunod pa na mga villages ay lilinisin ko. Gusto mo, Cookie, pati septic tank pa ng office mo at ng ba..”

“Yuck! As in so gross!” Putol nito sa sasabihin niya.

“Bakit?” Inosenteng  tanong nito. “ alam mo, Cookie, marangal na trabaho ang ginagawa ko.”

“I know, I know, but you don’t have to make those things kasi. I could help you naman, Mamon.” Nakasimangot na ito. “And I know that you love all the cabs that you have, what will happen if you make benta? Your drivers will lose their jobs, right? I don’t like that to happen just because of our wedding.” Seryoso na siya.

“I know. I was just joking. May pera ako, Cookie, don’t worry. I’m a millionaire, nakalimutan mo na ba kung sino ang ama ko?”

Ay oo nga no!

“I told him that I will manage the company with him, and I will accept the money that he gave me.” Nakasimangot na sabi nito.

Reyna ng Arte V.S. Hari ng DeadmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon