9: Wala pang 5 minutes, BREAK NA TAYO?

775 7 0
                                    

"Ivan Creed Amclar, makinig kang mabuti kasi ngayon ko lang sasabihin to at hindi ko na uulitin pa".. Seryoso talaga siya...

"Mahal din kita Red, in English I LOVE YOU Too", she's smiling...

Ang sagot ko, "Weeeh, Di nga"?

 

at nawala po ang Romance sa atmosphere... eh nakangiti eh, malay ko bang seryoso siya..

Ayun, "I hate you", sabay batok ang inabot ko...

"Sorry.. SOrry... Paki-ulit nga..", pangungulit ko kay Rafa..

"Ang sabi ko, hindi ko na uulitin pa.. hmppf, bahala ka na nga sa buhay mo".. at tumalikod na siya at iiwanan na ko..

Pero mas mabilis pa sa alas kuwatro, reflexes ko.. I took her hand, iniharap ko siya sa akin and I hugged her tightly..

"So tayo na?", I asked her..

"Hindi, kayo na", naiinis niyang sagot..

"Sorry na, baby ko.. Di na ko uulit, pangako".. I replied while I'm still holding her..

"Baby ko?.. Ayoko nun, para akong Baby Damulag pag ganun", ungot niya..

"Baby Damulag ka naman talaga eh, kasi may baby fats ka pa", biro ko sabay tawa..

"Ah ganun, bitawan mo ko!!! Simula sa araw na ito, hindi mo ko puwedeng yakapin, hindi mo ako puwedeng halikan.. Mag-isa ka!" at ayun, nilayasan talaga ako..

"Baby ko naman, may mag-boyfriend ba na hindi naghu-hug o nagki-kiss?", sigaw ko, habang hinahabol ko siya...

"Wag mo na rin akong tawaging baby ko, BREAK na tayo", sigaw niya pabalik...

"Baby ko naman, wala pa tayong limang minuto mag-boyfriend break na agad.. Di ba puwedeng, another five minutes pa?"..

Sa tagal nang pagkakakilala namin, nasasabayan ko na ang mood niya.. and This time I can tell she's not serious about us breaking up...

She grinned.. "Sige, bonus, pero, 1 minute lang".. sagot niya

"Puwedeng pa-hug and kiss sa cheek, dun sa 1 minute", nagpabeautiful eyes pa ko...

And she smiled her sweetest smile and answered: "HINDI"..

"Sabi ko nga eh... Hindi.. Pero puwede paholding hands na lang baby ko, malapit na matapos 1 minute eh" tanong ko..

"Hmmpf, sige na nga", sagot niya..

Parang kidlat, hawak ko agad ang kamay niya.. "I LOVE YOU, Baby ko"...

and she answered " I hate you", sabay Batok..

pero, yung free hand niya ang pinambatok niya sa kin..

Five minutes na, hindi pa rin niya kinukuha ang kamay niya, kaya bumulong ako..

"So, tayo na ulit"...

"Bakit, sinong maysabing break na tayo?", balik tanong niya sa kin...

Sabi ko nga eh, ULYANIN.....

"Pakiss nga baby ko", hirit ko ulit..

"Eto, gusto mo?, tanong niya, showing her fist..

"Oh sige, puwede na yang kamao mo, kahit Nguso mo sana ang gusto ko" sabay halik sa kamao niya tsaka ako tumakbo...

Alam kong bugbog na naman ang aabutin ko..

Anong magagawa ko, eh in love nga ako!!!!

youtube: Uncle Kracker - Smile [Official Video] 

unclekracker

Meet ang Girlfriend kong MATONWhere stories live. Discover now