Chapter 27

3.3K 79 19
                                    

This chapter is dedicated to you dear TheSundayPrince 😊

Hope you like this😀😘

********************

SHE pressed the intercom on her desk. "Jane, please come in."

Wala pang dalawang minuto ang nakakalipas ay nasa harapan na niya ito. "Yes, Maggy?"

"Alam mo ba kung kanino nanggaling ang mga ito?" saglit niyang tinapunan ng tingin ang pumpon ng mga bulaklak na prenteng nakapatong sa kaniyang mesa.

Sinundan nito ang tinitingnan niya. "Hindi ko alam. Noong dumating ako kanina ay nandiyan na ang boquet."

"Have you checked with the security?"

"Not yet. I'll check it with them."

"Okay. Please get back to me."

"Yeah sure. Is there anything else?"

Umiling siya bilang sagot dito. Sinundan niya ito ng tingin ng lumabas ito sa kaniyang opisina. Muli niyang tiningnan ang pumpon ng mga rosas. Binabagabag ang kalooban niya dahil sa mga bulaklak. Hindi kasi ito ang unang beses na nakatanggap siya ng mga rosas simula nang makabalik siya dito sa Maynila.

Halos mag-a-apat na lingo na magbuhat nang makabalik siya mula sa isla at simula noon ay araw-araw na siyang nakakatanggap ng ibat-ibat klase ng mga bulaklak. Maging sa bahay niya ay nakakatanggap siya. Lahat ay halos mga paborito niya at mayroong nakalagay na card na puro mga papuri tungkol sa kaniya ang nilalaman. Ngunit wala namang nakasulat kung kanino nanggaling. Ayaw niyang isipin na si Matt ang nagpapadala sa kaniya ng mga ito.

Bakit naman siya papadalhan nito? Simula ng umalis siya sa isla ay hindi naman siya nakatanggap ng tawag o text man lang mula dito. Pinatunayan lamang ni Matt na tama ang iniisip niya tungkol dito.

Napatawa siya sa naisip. Bakit ba umaasa pa siyang gagawa ito ng paraan para kontakin siya? Napakaimposible na galing ang mga ito kay Matt. Hindi ito magsasayang ng sandali na puntahan siya dahil kasama na nito ngayon ang fiancee nito.

Kinuha niya ang cellphone mula sa dala niyang bag. Dumiretso siya sa gallery ng cellphone niya kung saan naroroon ang mga larawan ni Matt. Kinukuhanan niya kasi ito ng palihim sa tuwing may pagkakataon. Mayroon itong kuha na nakatalikod ito at bahagyang nakalingon ang mukha sa kaniya. Na-emphasize tuloy sa picture ang maganda nitong balikat.

Nagtaka siya ng ang mga sumunod nang larawan ay puro mukha na niya. Marami rin siyang stolen shots doon na siguradong mga kuha ni Matt. Hindi niya napigilang ngumiti. Pinapakialaman pala nito ang cellphone niya kapag natutulog siya. Nabuko na pala siya nito nang wala man lang siyang kamalay-malay.

Natigil siya sa paglilipat ng picture ng makita ang kuha nilang dalawa ni Matt sa may tabi ng talampas. Sa pagkakatanda niya ay kinuhanan niya ang sarili ng picture at hindi niya napansin na nandoon pala ito sa likuran niya.

Naglaho ang ngiti sa kaniyang mga labi kasabay noon ay ang labis niyang pangungulila dito.. Sa bawat umaga na gumigising siya ay hinahanap ito ng kaniyang sistema. Na-mi-miss niya ang magandang boses nito at ang mabango nitong amoy.

Napabuntong hininga siya. She really miss him. Miss na miss.

"You look so stress and tired. Why don't you take a break?" nilingon niya ang bagong pasok sa kaniyang opisina.

"Nah, I'm not stress. Kagagaling ko lang sa bakasyon, hindi ba?"

"Oo nga, pero parang naiwan naman ang puso at kaluluwa mo sa pinanggalingan mong lugar."

Stranger from Yesterday (Stranger Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon