CHAPTER 6 - AT SM

204 3 0
                                    

CHAPTER 6     - AT SM

          May Film Showing kami ngayon na panonoorin sa Sm, 2:00pm ang start ng show. Kaya napagpasyahan naming magkakaibigan na pumunta ng 10:00am para makapaglibot-libot kami sa mall.

          Pagkatapos namin maglibot-libot nina Eliza Exaure - yung best friend ko, Althea Biscarra – yung kaibigan kong medyo tomboy pero may boyfriend at si Jasmine Lee – na kaibigan kong matangkad na maraming manliligaw. Kaming magkakaibigan/magkaklase ay pumunta sa foodcourt para mananghalian. After that, hinanap na naming kung saang cinema kami manonood. Dahil sa… hindi kami masyadong pamilyar sa mall na iyon ay puro lakad kami at paikot-ikot na lang... Halos magkakaparehas kasi ang mga daanan eh kaya, parang naliligaw na kami. Maya-maya ay may papalapit sa amin at nagsalita sa harap ko…

          “Hi!” Nice to meet you!” nakangiting sabi nito habang nakatingin sa akin.

          Dahil sa nabigla ako… nagkaway lang ako at ngumiti.

          “Ayyiiieee… Sino yun Jenny…?”  Pang-uusisa nina Jasmine at Althea habang kinikilig sa amin.

          “Ah… yun… Classmate ko nung first year highschool” tugon ko.

          “Yun yung may crush kay Jenny eh… haha…” sabi ni Eliza.

          “Wow!!! Talaga???! Sayang hindi ko nakita masyado yung mukha niya… Ituro mo sa akin Jenny sa school ah, kapag naalala mo.” Excited na pagkasabi ni Jasmine.

          “A-hh Ok!” Yun lang nasabi ko.

          Natapos na ang film showing. Nagsilabasan na kami. Habang bumababa ako ng hagdan kasami si Eliza… nakita ko si Ranier Cruz sa baba ng hagdan na nakatingin sa akin. Grabe! Feeling ko… parang natutunaw ako sa mga tingin nya habang bumababa ako ng hagdan. Kaya naman… binilisan ko yung pagbaba ko at kumaliwa kaagad. Kunwari di ko sya napansin o nakita. At mabuti naman at hindi na kami ulit nagkita sa mall. Kaya medyo nakahinga na ako.

RANIER CRUZ POV:

          What a coincidence!!! Akalain mo yun… nakita ko pa siya sa mall. Grabe! Ang cute-cute nya talaga… Lalo na nung bumababa sya ng hagdan. Para syang isang magandang angel na bumababa papalapit sa akin.  Kaso, lumiko kaagad sya at mukhang nagmamadali na parang kanina lang ay parang slow motion ang mga pagkilos at  galaw nya at ngayon ay parang bulana mabilis ding nawala. Pero ayos lang yun… at least nakita ko sya sa araw na ito.

**********************************************

My old classmateWhere stories live. Discover now