CHAPTER 16 - CAMERA

166 3 0
                                    

CHAPTER 16     - CAMERA



JENNY VOICE:



          “Akalain mo yun guys… 4th year na pala tayo, noh? Ang bilis naman ng panahon… parang kalian lang hindi pa tayo magkakakilala noon tapos ngayon, malapit na tayong magkanya-kanyang trabaho.” Sabi ko kina Eliza, Jasmine at Althea.



          “Oo nga eh. Naalala nyo pa ba kung kalian tayo nabuo? I mean… Paano tayo naging isang grupo?” Tanong ni Eliza.



          “Ah… nung magkakaroon tayo ng groupings by five. Tayo kasi yung tira-tira noon eh. Dahil halos sa kaklase natin ay may kanya-kanyang ka-grupo. Samantalang tayo noon ay walang ka-grupo kaya tayo na lang ang pinagsama-sama bilang isang group ng prof. natin. Tama ba?” sabi ni Jasmine.



          “Oo yun nga! Nakaka-miss si Crisalda, noh? Sayang at di nya tinapos ang pag-aaral nya… Dahil sa hirap ng buhay… di tuloy nya maiwasan na magtrabaho na kaagad, lalo na… siya pa ang inaasahan sa pmilya nila dahil siya ang panganay sa kanilang magkakapatid.” Sabi ni Althea.




          Si Crisalda nga pala ay ka-grupo din namin noon. Siya ang pinakamasipag at mapagmahal na tao. Siya lang naman yung taong… ikakain na lang nya ang pagkain niya… ibibigay na lang nya yun sa mga kapatid nyang kumakalam ang sikmura. Hindi na niya iniisip ang sarili niya. Puro pamilya na lang at paghahanap ng trabaho ang lagging laman ng isipan. Minsan nga, naaawa na lang kami sa kaniya eh. Kasi, ang payat-payat na niya. Kaya ang tanging maitutulong lang naming sa kaniiiya ay… sa tuwing recess, inililibre na lang namin sya ng pagkain o di kaya’y nagshe-share na lang ng pagkain sa kaniya. 4th year 1st semester sya nag-stop ng pag-aaral. Isang semester na lang at makakapagtapos na siya kaso, sabi nya sa amin na… hihinto na lang daw siya sa pag-aaral dahil hindi daw niya kayang Makita na… lagging kumakalam ang sikmura ng mga kapatid niya. Tsaka, wala din daw siyang perang panustos sa mga bayarin ng school namin. Kaya, napilitan siyang huminto kahit na isang semester na lang ang bubunuin. Pero pangako naman nya sa amin na… ipapagpatuloy pa din naman nya ang kaniyang pag-aaral sa susunod na taon.




          “Nakakainis kasi yung magulang nya eh! Hindi man lang magtrabaho para makatulong sa pamilya. Anak lang ng anak yung nanay nya… tapos, wala namang kakayahang alagaan o bigyan ng sapat na buhay ang mga anak. Tapos yung tatay, puro inom ng inom at sugal ng sugal. Ggggrrr!!! Nakakainis talaga! Di ba, guys?” Sabi ni Jasmine.



          “Oo nga eh… Teka! Putulin na nga natin ang tungkol dyan kay Crisalda… nagiging badmood na tayo eh.” Sabi ko.



“Oo nga! Kanina pinag-uusapan natin yung tungkol sa 4th year na tayo… tapos ang landing ng usapan ang buhay ni Crisalda. Sino ba kasi ang nagpasok ng topic ni Crisalda?” sabi niEliza.

My old classmateWo Geschichten leben. Entdecke jetzt