Tayong Dalawa

1.5K 21 1
                                    

Tayo
Isang salita pero may napakaraming kahulugan
Ang tayo ay Isang salita na dapat para lang sa dalawa
Ang tanong, May Tayo Ba?
Siguro Wala , kasi ako lang naman ang umaasa na meron.
Ako lang naman ang nagpakatanga sa paniniwala na mayroong "TAYO" sa pagitan nating dalawa .

Sabi mo,  WALANG TAYO
Sabi mo , huwag na akong umasa sayo. 
Eh sa nagmamahal lang naman ako ehh .

Siguro sa sobra na pagmamahal na 'to .
Nagiging tanga at bobo na rin ako.

Pero sa pag - Ibig na 'to .
Para sa akin, WALANG MALI.
May nagmamahal Ba na hindi nasasaktan ?
Kasi para sa akin , WALA
Para sa akin , masasaktan at masasaktan ka talaga .
Kasi sa pagmamahal , May sakripisyo , May mga problema  at iba pa.

Mahal, kahit na walang tayo
Asahan mo,  nandito pa rin ako at nagmamahal pa rin sayo .

PAALAM, Mahal Ko.


AUTHOR'S NOTE

No copyright , please . If gusto nyo pa po ng maraming spoken words poetry , just message me na lang po .

Itong tula na 'to ay para sa mga Tao na akala ay NAGING kayo pero Hindi pala.  Akala na mayroong "tayo" sa pagitan nyong dalawa .

Unexpressed Feelings Where stories live. Discover now