Oo, tumatawa ako
Oo, ngumingiti ako
Oo, parati kong sinasabi na OK LANG AKO
Tumatawa ako kasi ayaw kong umiyak sa harapan mo.
Ngumingiti ako kasi ayaw kong maging malungkot sa mga araw na magkasama tayo
At Oo, sinasabi ko na Ok lang ako kahit hindi
Oo, pinagtatakpan ko ang lahat ng mga hinanakit, galit, puot at pait
kasi nangyari na ang lahat diba?
Ok lang , kasi wala na akong magagawa pa .
Ang lungkot ay naging saya
Ang puro luha ay naging puro tawa
at ang sakit at galit ay naging OK LANG kahit mapait.
![](https://img.wattpad.com/cover/101388953-288-k243276.jpg)
YOU ARE READING
Unexpressed Feelings
PoetrySpoken Words Poetry.💕💔 Collection ng mga isinulat kung tula . Collection ng mga hugot . Collection ng mga Quotes . English and Tagalog poetry . crdts: Hugot and quotes . Poetry po sana ito kaso naisipan kong i-random na lang dahil may mga hugots...