Uumpisahan ko sa salitang "Magkaibigan"
kasi yan yung sinabi mo diba?
na magkaibigan lang kayong dalawa.
Mahal, binaliwala ko ang aking mga motibo
kasi may tiwala ako sayo , Mahal ko
Noong isang araw, nakita ko kayong dalawa.
at para bang wala kang pakialam kung may nasasaktan ka
Tinitigan ko ang mga mata mo na nakatitig sa mga mata niya
yung titig na iyon, yon yung titig mo sa akin diba?
Mahal, akala ko ako lang
kaya binalewala ko ang aking mga motibo
kahit alam ko na may kahulugan.
Kahit alam ko na hindi to ang titig ng magkaibigan lang
nakita ko yung pagtawa mo, pagngiti mo at pagkislap ng mga mata mo.
Mahal, gusto ko lang sabihin na
"MAHAL, NANDITO PA AKO"
Ang sakit pala ng pakiramdam na saktan ka ng mahal mo.
Tapos noong araw na iyon,
Tumawag ka at sinabi mo na "BREAK NA TAYO"
Gumuho ang mundo ko na para bang katapusan na ang lahat
Sinabi ko na "BREAK?! kasi nakahanap ka na ng iba?" tanong ko.
"Oo, nakahanap na ako ng iba.Kaya please lang huwag mo na akong guluhin pa"
Uyy MOTIBO , patawad sa pagbalewala ko sayo .
</3
![](https://img.wattpad.com/cover/101388953-288-k243276.jpg)
CZYTASZ
Unexpressed Feelings
PoezjaSpoken Words Poetry.💕💔 Collection ng mga isinulat kung tula . Collection ng mga hugot . Collection ng mga Quotes . English and Tagalog poetry . crdts: Hugot and quotes . Poetry po sana ito kaso naisipan kong i-random na lang dahil may mga hugots...