1. An unpleasant meet-up

42 0 0
                                    

MI ♥

CHAP 1 : An Unpleasant Meet-up

an.

Hi guys! Maraming salamat po sa pagdaan sa story ko ^^ Hihi. Thank you for reading. Hope you enjoy :))

Before you read, please play the video over there  ---------------->

(That one video on the right side of the screen under MEDIA)

Or play the song "Insensitive" by Toni Gonzaga. Thank yooooooo! ♥♥

   ~~~

George's POV

'Oh I really should have known

By the time you drove me home

By the vagueness in your eyes

Your casual good-byes

By the chill in your embrace

The expression on your face

That told me maybe you might

Have some advice to give

On how to be insensitive ~ lala ♪ ♫'

Pasabay-sabay pa ako sa kantang tumutunog sa earphones ko habang naglalakad pababa ng eroplano. Good vibes ako ngayon eh. Pano ba naman kasi, onti nalang, 'BORACAY, HERE I COME' na ang peg ko.

Oo, tama ang basa n'yo. Nasa Boracay ang lola nyong dyosa. Haha! Bakit? Well, nagkayayaan kasi ang barkada na magbakasyon. Yaman nu? Sosyalin! Sa Boracay pa naisipan. Pero okay lang. Pampatanggal na rin ng stress.

Haaaay nako, halos malosyang na ang beauty ko this past few weeks noh! Sobrang busy kasi ang peg ko. With all the business and stuffs, idagdag pa ang company namin na kapapasa pa lang ng pagmamanage sa akin eh halos sa opisina na ako matulog. Ni hindi na nga ako makadaan sa salon at spa eh. Kaloka! Buti na lang pinayagan ako ng parents ko. Hihi.

S'ya nga pala, ATHENA GEORGETTE SANDOVAL ang pangalan ng magandang nagkukwento sa inyo. Sino? Well, sino pa nga bang iba kundi ang nagiisang ako! Hihi :") Ganda nu? Pano ba yan? Pangalan pa lang pak na pak na! Pano pa kaya ang fes at sexy body ko? Nakooo, kaya halos magsiluwaan ang mga mata ng mga nakakakita sa akin eh. Minsan lang daw kasi sila makakita ng isang dyosang bumaba at dumaan sa harap nila. :P

' Oh you probably won't remember me

It's probably acient history

I'm one of the chosen few

Who went ahead and fell for you

I'm out of vogue, I'm out of touch

I fell too fast, I feel to much

I thought that you might have

Some advice to give

On how to be insensitive ~ ♫♩ '

Tuloy pa rin ang pagkanta ko. Sumasabay na lang sa paborito kong kanta. At wag kayo! May papikit pikit pa ako ha! Haha. Ganun talaga, para feel!

Pagkababa ko, dumiretso kaagad ako sa baggage counter. Mag-isa lang ako kasi nauna na ang friends ko 2 days ago. In total, nauna na silang makapagsaya and makapagenjoy 2 days ago. Andaya nu? May inasikaso pa kasi ako sa company namin. Syempre, di ko naman pwedeng iwan yung kompanya namin ng basta-basta diba? Mamaya nyan malugi pa kami dahil sa kapabayaan ko diba?

Mr. Insensitive ♥ (On-hold)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin