2. Meeting the gang

30 0 0
                                    

MI ♡

CHAP 2 : Meeting The Gang

an. 

Thanks for reading. Enjoy!

George's Gang over there, fellas! Hihi. ☺♪♫♪♫ ♥♥    ------------------>

   ~~~

George's POV

TININGNAN ko ang pangalan ng hotel na tutuluyan ko.

'Zitel de Luxe'

Tinitigan ko pa ng konti yung sign sa labas ng entrance. Ano naman kaya ang naisipan ng may ari at ganyan ang pinangalan nya? I wondered for a few more minutes. Zitel de Luxe. Hmmm, sabagay, sounds luxurious naman diba?

Di ko na pinakialaman yung pangalan at nagpasya nang pumasok sa loob.

Nakakailang hakbang pa lang ako nang huminto ako. There's no doubt, the place looks great. Para syang Old Victorian style pero kitang-kita mo ang sophistication sa bawat sulok na titingnan mo. Luminga-linga ako.

"GUYS!" sigaw ko sa mga barkada ko na nasa lobby ng hotel na tutuluyan namin.

"OMYGEE! George! You're here na!" bati sa akin ni Ynnah saka kami nagyakap.

Ynnah Marisse San Gabriel. Yan ang pinakasossy kong kaibigan. Halata naman diba?

Maganda yan. Sexy, matalino, at mayaman. Actually, lahat ng kaibigan ko, mayaman. Lahat din sexy, hot, gwapo, maganda, at syempre, may ipanlalaban kung patalinuhan ang pinaguusapan.

Lahat naman ng friends ko eh may kanya kanyang qualities eh. Kaya kapag kulang ng isa, di buo ang barkada. Sanay kaming buo at sama-sama. Kumbaga, para kaming isang sistema sa katawan. Bawat isa, may kanya-kanyang role sa grupo. Lahat importante. At kapag wala ang isa, di normal ang paggana ng grupo dahil lahat nakakonekta sa isa't isa.

As for Ynnah, she's the sossy type and ang 'Chix' ng barkada. Dami kasi nanliligaw eh. At andami ring pinapaasa! Susko! Kung merong 'Playboy' eh pwede nyo nang sabihing sya ang girl version! Kulang na lang eh magtayo sya ng sariling Louvre Museum na paglalagyan ng mga pangalan ng bawat lalaking naging fling nya. Naku! Sigurado, mas marami pa sa paintings na nakadisplay doon ang pangalan na makikita natin kung sakali. -_-

Kung ano ang dahilan kung bakit sya playgirl? Aba! Di ko alam. Masyado naman kasing malihim tong isang to eh. Pero hinahayaan na lang namin.

"Heya, George. Buti naman nakarating ka na. Susko! Wala akong karamay sa pagawat sa mga isip bata na ito! Malolosyang na ako sa kaa-awat sa away nila noh!" reklamo naman ni Shie.

Shiellienne Marie Gonzales. Yan ang pinakamatured magisip sa grupo bukod syempre kay Kuya Jack. Minsan may pagkaisip bata rin yung isang yun eh! Kaya si Shie talaga ang official referee ng barkada. Minsan nga, tulong pa kami sa pagawat eh. Pano ba naman, palagi nalang magaaway tong mga toh! Kung hindi si Ynnah at si Jem, si Vee at si Marco, o si Marj at si Gio. Minsan, si Shie din at si Ram. Actually, mas madalas pa nga magaway si Shie at Ram kesa dun sa 6 eh. :">

Ram. Ramiel Allain Bautista. Yan ang pinakamaloko sa grupo. Mahilig sa trip. At ang lagi nyang pinagtitripan? Si Shie lang naman.

Speaking of Ram...

"Oh, cool ka lang, Shie. Eto, tubig. Inom ka muna." sabi ni Ram saka inabutan ng baso si Shie.

"Salamat." sagot nya saka uminom ng konti.

"Teka, bakit ganito ang lasa?" sabi ni Shie saka kumunot ang noo.

"Ah, kasi nakuha ko lang yan doon oh." sabi ni Ram saka tumuro doon sa mga nakadisplay sa lamesa.

Mr. Insensitive ♥ (On-hold)Where stories live. Discover now