Chapter 16: Just a show

6.8K 167 5
                                    

Dumating ako ng mga bandang 6:00 late.

Nakita ko si Trevor na kausap pa rin si Fiona.

Nabasag ko ata ang katahimikan na mayroon ng pumasok ako sa mansion.

"Oh Hi There!" Bati ni Fiona.

Napangiti na lang ako at duon tuloy tuloy na umakyat.

Nagpahinga muna ako ng saglit. Nakakapagod at nakakabagot. Hindi ko man lang naisip ang mga bagay na sinabi nya kanina.

Suddenly, the door opened.

Pumasok si Ms. Lucine dun.

"Hi Celena!" Bati nya. Napangiti na lang ako at umupo sa kama.

"Gusto lang sana kitang makasama ng saglit. Kwentuhan naman tayo." Sabi nya.

Alam kong may gusto syang iparating sa akin. Hindi ko lang alam kung ano ito pero alam ko at nasesense ko kung paano sya maging catchy.

"Sige po." Sabi ko lang.

Ng maupo sya sa harap ko, nakita ko ang mga ngiting iyon sa kanya.

"Ayos ka lang ba?" Tanong nya.

I nodded. Parang wala akong gana kausap pero kailangan ko syang kausapin dahil sya na ang naghingi ng pabor eh.

"You know about Trevor and Fiona right? I mean like, close friends sila? Okay lang ba kung dito ko sya papatulugin mamaya?" Tanong nya.

Nagulat ako sa tanong nya. Really? As in sa akin pa nya talaga hihingiin ang pabor na yun? Kung sa bagay, guest room to kaya talagang dito nila patutulugin si Fiona.

"Ahh. O-opo. Sige po." Sabi ko na lang.

"How are you and Trevor?" Tanong nya.

"Ayos lang po." Sabi ko na lang. Ayoko mag explain sa kanya dahil habang pinapahaba ko ang explanation ko, mas nag woworry ako sa mga iniisip ni Ms. Lucine.

"Keep him. Keep him as much as he do."sabi nya lang at tumayo.

Ano na ba ang nangyayari? Bakit parang halos lahat konektado sa akin at kay Trevor? Ano na ba Celena? Bakit ganito na?

She left my room and me, I was so breathless of what she said. Trevor keeps me. The Hellion keeps me as his Treasure.

---

Gabi na at bumaba ako para ipainom kay Trevor ang gamot nya. Kailangan nya kaseng uminom ng gamot para sa Lost of control.

Pagbaba ko, nakita ko silang dalawa. Magkausap pa rin. Wtf?
Since three o' clock to seven o' clock wala silang gagawin kung hindi mag usap?

Dumiretso na ako sa kusina para ihanda ang tubig at ang mga gamot nya.

Ng nasa malapit na ako, kita ko na nakatalikod sa akin si Trevor while Fiona, I can't really see her dahil medyo maliit sya.

Nagulat ako sa sumunod na nangyari. My hands began to tremble and all of a sudden, I felt the warm water flooding my eyes.

They Kissed.

Yun ang alam ko dahil nakita ko ang pagkaisa ng mga shadows nila. Nakita ko ang pagtip toe ni Fiona para abutin si Trevor.

May parang sumaksak sa akin. Parang mayroong pumipiga sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan pero halos nadaganan na ako ng napakalaking pader. Para akong nawasak. I am shattered into millions of pieces. Para akong crayons na pinutol at tinunaw. I can't help but cry.

Nailapag ko na agad ang mga hawak ko bago ko pa ito mabitawan at tuluyang nanghina. I can't stand. I can't really focus. Para akong pinagbagsakan ng lupa at langit.

THE HELLION'S CRAVES✔Where stories live. Discover now