Chapter 22: Bad Omen

5.4K 119 0
                                    

Nangangatog akong pumasok sa mansion. Halos hindi ko mabuhat ng maayos ang mga librong dala ko.

"Celena?" Tanong ni Ate Lucine na syang ikinagulat ko.

"P-po?" Tanong ko.

"What seems to bother you? You look very frightened." Sabi nya.

Hindi ko na napigilan ang panginginig ng kamay ko ng maalala ko muli ang mga ngisi ng lalake.

"Celena?!" Sabi ni Ate Lucine.

"Ate lucine--" nanginginig na sabi ko.

"Ano nga? Tell me!?" Sabi nya.

"Outsiders are now here. One of them gave a warning." Sabi ko.

"What the-- anong sinabi?" tanong nya.

"He wants me to-- to Die." Sabi ko at naibagsak ko ang mga librong hawak ko.

I started crying for the whole time and Ate Lucine's there to comfort me.

Inintay na lang namin si Trevor para malaman nya ito.

---
Lucine's POV

Ito na nga ang kinatatakutan ko. Ang kinatatakutan namin. Maaaring sa kahit anong oras man simula ngayon.
Nagsisimula na ang mga banta ng scoundrels. Hindi na nga maitatago sa kanila na isang tao ang mate ng Hellion.

Pero sabi ni Celena, sinabihan sya ng 'Die.'

Hindi kaya-- Holy shit!

Tumakbo agad ako pataas at tinungo agad ang office ni Senior.

Pagpihit ko ng knob, isang malakas na sigaw ang narinig ko galing loob.

Senior Javier is scolding.

"Senior!" Sabi ko.

"The Alliance. set them all Ready!" Sigaw nya sa telepono.

Sa mga puntong iyon, halos manghina ako. Alam ko na ang tinutukoy nya.

Ng ibaba nya ang telepono, humarap agad sya sa akin.

"Senior Javier! Ang mga scoundrels. They already intruded our barrio!" Sabi ko.

"Alam ko. Kakatawag lang ng Head quarters ng Hellion. Ang Northern East ng Barrio natin. Isa sa mga daanan roon ay hinarangan na ng Scoundrels. Nag uumpisa na sila!" Sabi nito.

Narinig ko mula sa ibaba ang pagbukas ng gate.

Si trevor na siguro iyon.

Bumaba agad ako at sinalubong sya.

For once nakita ko syang kinabahan.

"Ate kamusta kayo? Si Celena? Asan sya?" Tanong nya agad.

"Nasa itaas sya. Pinagpahinga ko sya." Sabi ko.

"Ate— Ang Scoundrels." Sabi nya.

"Alam ko...Nasa panganib kanina ang mag ina mo." Sabi ko.

"Ano?" Sabi nya.

"Nakasalubong nya ang isa sa mga Scoundrels at isa sa kanila ay binantaan sya ng kamatayan. Alam kong-- alam kong ikaw ang tinutukoy nila. Hindi nil papatayin si celena." Sabi ko.

Naramdaman ko ang pag igting ng panga nya at dali daling pinuntahan si Celena.

Tinungo ko naman si Senior at doon nakipag usap.

"Wala na tayong magagawa. Alam nating kahit anong oras mula ngayon, bloody floods might flow out there from somewhere— From someone rather." Sabi ko.

"Alam ko iyon apo. Pero kailangan nating lumaban. Hindi pwedeng maulit ang nakaraan. Hindi natin hahayaan iyon." Sabi nya.

"Alam ko yun. Alam natin yun. Pero Senior-- nasa 1250 lang ang nasa camp natin. Marami sila. Marami rin ang pwedeng mawala sa atin." Sabi ko.

"We aren't alone." Sabi nya.

Alam ko ang iniisip nya.

"So you are saying that it is another deal with them?" Tanong ko.

He nodded.

A deal with the Well Tamed Breeds.

Tinungo ko kaagad ang kwarto ni Trevor at duon ko sasabihin lahat ng plano.

"Trevor, celena.. kailangan ko kayong makausap." Sabi ko.

"Ano po iyon ate?" Tanong ni Celena.

"We formed a concept. Kami pa lang ni Senior ang nakakaalam. Balak sana naming ikonsulta sa inyo ang mga plano bago ipahayag sa buong Alliance." I cleared my throat.

"Balak naming mag close ng deal of Alliance sa Well Tamed Breed." Sabi ko.

"No." Sabi ni Trevor.

"Ano ba Trevor! One thousand two hundred and fifty lang ang papulasyon natin! Kulang tayo! Hindi ganun kalakas ang alliance natin,, Trevor—Pumayag ka na! Kahit para lang sana sa amin. Kahit para sa pamilyang bubuuin nyo pa ni Celena." Sabi ko at tinitigan sya.

"Fine. Pero pag uusapan pa namin ito ng Alliance. I need to save almost everything. Kailangan kong iligtas ang breed natin. Ang barrio. Ang pamilyang Norcross. At ang mag ina ko. Kailangan ko kayong mailigtas." Sabi nya.

"Paano ka?" Tanong ni Celena na lumuluha ang mga mata.

"I need to save myself. Kailangan ko rin." Sabi nya at yumakap kay celena.

Kinuha nya ang pinakamalapit na telepono at nag dial. Alam kong Alliance ang tatawagan nya.

---

Lucine's POV

After an hour, Ang Alliance Committee ay narito na.

Kasama na rin ako at si Senior sa lahat ng pag uusapan. Kailangan naming makialam. Hindi pwedeng maulit ang nakaraan.

Naupo na kami sa Dining Area na free space para sa committee.

"Scoundrels—Alam nyo na ang tungkol sa kanila hindi ba?" Sabi ni Trevor.

"Sinasalakay na tayo ng scoundrels dahil sa pagkakaalam nilang ang Lady of the Hellion ay isang pure human na kagaya nila. Sinasalakay nila tayo dahil gusto nilang bawiin si Celena. For what I know, hindi tayo pwedeng lumaban ng tayo lang. Based on my sister and former Hellion's concept, gusto naming makipag closed dealing with the opposed breed. Yun lang ang tanging paraan para mapalakas angpwersa natin—and if that happens, there's a big chance of probability na manalo tayo." He cleared his throat.

"Few decades back, alam nyo naman ang nangyari. It's a tragedy. And you don't want that tragedy to happen again Am I right?" Tanong nya.

"Hellion." Sabat ko.

"Yes?" Tanong nya.

"We need plans. Isa sa mga naiisip ko ay ang escape. Alam kong wala sa pride natin ito pero para lang mailigtas natin si Celena, kailangan natin syang mailayo dito." Sabi ko.

He and the alliance nodded.

"Bukod sa escape, kailangan natin ng order of Guests. Alam kong isa sa mga kaibigan ko ay pwede akong matulungan." Sabi niya.

Lahat sila ay napatango na lamang.

"Thadeus, kailangan mong mag assign ng sentinels or guards. Kahit isang grupo galing sa bawat sulok ng barrio. Kailangan ng assigned na magroronda sa mga exits and entrance ng barrio. Kailangan ko rin ng updates sa head quarters." Sabi nya.

"At para sa close dealing with the Well Tamed Breeds, kailangan ko muna mag isip ng plano."

Thadeus nodded in advance.

Tama sya, kailangan nga nun.

After an hour, nagsi alisan na silang lahat at nagsimula na sa mga assigned tasks nila.

After a while, wala ng alliance rito. Si celena naman, nagpahinga sya dahil medyo nahilo sya dahil sa stress.

Flynn Stanley.

*****

THE HELLION'S CRAVES✔Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora