ANG SINAUNANG NANGYARI

17.6K 474 6
                                    


Pagkasigaw ni haring edward ng Sugod ay nagsisuguran ang mga alagad nito sa mga kawal at mamamayan ng Magicue Kingdom. Samantalang ang hari at ibang kawal ay pinoprotektahan ang mahal na reyna at prinsesa ngunit sa dami ng kalaban ay  hindi nila maprotektahan ng maayos ang reyna. Ang naiwang promotekta sa reyna ang hari ngunit napalibutan pa rin sila ng mga kalaban. Hindi naman makalaban ng maayos ang reyna dahil sa hawak nito ang sanggol. Pansamantalang gumawa ng shield ang hari para maprotektahan sila.

"Mahal ko, gagawa ako ng portal papuntang mortal world at pumunta kayo ni princess doon. Mamuhay kayo ng payapa, tahimik at masaya. Mahal na mahal kita. Mahal ko" saad ng hari habang hinahalikan ang noo ng prinsesa atsaka ang labi ng asawa. Gumagawa na din siya ng portal.

"Ngunit mahal, hindi kita iiwan, sama sama tayong lalaban" saad ng reyna habang umiiyak

"Okay lang ako mahal, basta ipangako mulang na mamumuhay kayo ng payapa sa mortal" umiiyak na saad ng hari

"Pero-------"

Bago matapos ng reyna ang kanyang sasabihin ay naitulak na siya ng hari sa portal.

============================

Inilabas ng portal ang reyna at ang prinsesa sa isang subdivision. Halos lahat ng mga bahay ay patay na ang ilaw ngunit may nakita siyang isang bahay na nakabukas pa ang ilaw kaya nilapitan niya ito.

"Anak, iiwan muna kita ni Ina dito sa mundo ng mga mortal ha. Kailangan ko pa kasing balikan ang iyong ama eh. Pangako ko saiyo ay babalikan kita pagkatapos ng laban. Mahal na mahal kita anak" umiiyak na saad ng reyna atsaka hinubad ang kanyang kwentas na may pendant na bulaklak na gold. At sa ibabaw ng bulaklak ay isang korona. Ibinigay niya ito sa prinsesa atsaka hinalikan ang noo ng prinsesa.

Nagdoorbell siya ng tatlong beses atsaka nagtago sa madilim na lugar ngunit kita pa rin ang sanggol.
May lumabas na mag asawa galing sa bahay at ng makita nila ang sanggol ay nagulat sila ngunit napalitan ito ng saya.

"Ahw!!! Sino naman kaya ang mag iiwan ng isang napakagandang sanggol dito?" Saad ng lalaki atsaka binuhat ang sanggol

"Wow!!! Ang cute mo naman baby!" Saad ng babae

Napangiti ang reyna dahil alam niya na may mabubuting puso ang aampon sa kanyang anak.

Pumasok na ang mag asawa sa bahay samantalang ang reyna ay gumawa na ng water portal para bumalik sa kaharian.

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Okay lang po ba? Sorry po kung magulo ang story ko po pero pagnatapos ko to ay aayusin ko po.

Dont forget to comment para malaman ko ang reaction niyo.

THE LEGENDARY PRINCESS (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon