CHAPTER 1

21.1K 479 3
                                    


"Anaaakkkkkkkkkkkk!!!!!"

Nagising ako ng marinig ko ang sigaw ni mama.

"Bakit po ma?" Tanong ko

"Alam mo ba na malalate kana, kanina pa kita ginigising ha" saad ni mama na nakapamaywang

"Ok, ok, sorry na po ma" saad ko na nakangiti

"Oh hala sige , maligo ka na ng makapag almusal kana" saad ni mama atsaka lumabas ng kwarto

Dali dali naman akong pumasok sa banyo at naligo. After 10 minutes ay tapos na ako at nagbihis na ako then punta sa baba para kumain.

Pagkababa ko ay nakita ko si Mama at papa na kumakain..

"Oh anak, kain na" saad ni mama

Tiningnan ko ang orasan at jusme! Malalate na ako!!!!

"Hindi na po ma! Sa school ko na lang puto kakainin" sabi ko kay mama habang kumukuha ng gawa niyang sandwich.

"Oh sige, mag iingat ka" saad ni mama sabay halik sa pisngi ko

"Babye pa! Ma!" Saad ko habang humahalik sa pisngi ni papa sabay takbo..

"Babye" saad nilang dalawa

Tumakbo ako ng mabilis dhil baka malate ako eh first day of school pa naman. Dumaan na ako sa shortcut ko para mabilis akong makarating sa school. Habang tumatakbo ay magpapkilala muna ako. My name is Nixy Nuel. 18 years old at grade 10 na. Wala eh, nasali sa k-12. May coffee brown din ako na mata at blonde hair.

Nang malapit na ako sa gate ay naglakad na lang ako at nagsimulang ayusin ang sarili ko. Mabuti na lang at hindi pa nagsisimula ang klase. Pagpasok ko ng gate ay biglang tumahimik ang lahat. Dapat lang! In this school, I'm the ruler, the queen kaya matakot na sila sa akin. Pero yung mga teacher naman ay nirerespeto ko kasi kahit ang mama at papa ko ang may ari ng school ay dapat ako yung model sa lahat ng estudyante. Ako dapat ang nagunguna sa lahat ng kabutihan. Lahat nga ng mga estudyante na lumalabag sa rules ay matindi ang parusa dahil rules are rules kaya dapat di nilalabag.

Ang takot lang naman sa akin ay ang mga estudyante dahil ang mga estudyante kasi na lumalabag sa rules ay ako ang pumaparusa hehehe.

Pumasok na ako sa classroom ko at nadatnan ko ang mga classmate ko na nagdadaldalan pero ng dumating ako tumahimik na. Nagearphones muna ako dahil wala pa naman ang teacher pero ilang minuto lang ay dumating na ito at nagsimula na ang boring discussion......

FASTFORWARD

Naglalakad na ako ngayon pauwi dagil tapos na ang class namin. Pagkadating ko sa bahay ay nadatnan ko sila mama at papa na seryosong nag uusap.. Tinawag ako ni papa ng makita niya ako.

"Anak, come here" sabi ni papa

"What happen? Is there any problem?" Tanong ko kay papa ng makita kung namamaga ang mata ni mama

"Anak, may sasabihin kami saiyo" sabi ni mama

"Ano po iyon?" Tanong ko

"Anak, your not our real daughter" papa said

"What? Are you kidding me? Ha-ha-ha-ha. Your so funny papa" saad ko kay papa na naiiyak pero may pilit na tawa

"Anak, were not joking, Anak, I'm sorry if nilihim namin saiyo to. Ayaw lang namin na magalit ka" mama

"Ma,Pa, hindi ako nagagalit. Masaya ako dahil kayo ang naging magulang ko. You treat me as your real daughter kahit na hindi tayo magkadugo. And thank you sa lahat ng mga ginawa niyo sa akin. I love you very much, you're like my true parents" saad ko

"Anak, do you remember the birthday we gave to you?" Sabi ni papa

"Yes pa, June 5 right?" I ask.

"Yeah, June 5 but that day, ay ang araw na nakita ka namin ng mama mo. Sa harap ng gate ng bahay natin. At ito...." Saad ni papa sabay may kinuha na medium size na box sa likod niya.

Binuksan niya ang box at naglalaman iyon  ng isang necklace na pendant ay gold na bulaklak at sa taas ng bulaklak ay may korona.

"Itong kwentas na ito ang nakita namin na suot suot mo nung gabing nakita ka namin. Alam kung makakatulong yan para  sa paghahanap ng tunay mong magulang" saad ni papa habang ibinigay sa akin ang kwentas

"Ma, pa, thank you! Thank you for telling me the truth, thank you for treating me as your real daughter at thank you sa lahat lahat" saad ko.

"No anak! Kami ang dapat magpasalamat at saiyo dahil nagkaroon kami ng anak na katulad mo. I love you anak" sabi ni mama atsaka niyakap ako

"I love you more mama at papa" saad ko at niyakap pabalik si mama.

Nakisali na din si papa sa yakapan namin ni mama

"Tara kain na tayo" saad ni papa

"Ah hindi na pa. Busog pa naman po ako eh kaya sa kwarto na lang po ako" sabi ko kay papa

"O sige na, matulog kana. May klase pa bukas, Goodnight" sabi ni mama

"Goodnight din po ma, pa" sabi  ko atsaka umakyat sa taas

"Goodnight din anak" rinig kung tugon ni papa

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥

Nalaman  na niya ang totoo dear readers. Ano kaya ang mangyayari sa susunod???

THE LEGENDARY PRINCESS (Completed)Where stories live. Discover now