CHAPTER 36

14.9K 380 3
                                    


Nixy's POV

Natamaan ako ni dark king sa balikat ko. Walanghiya siya. Hinarap ko siya pero wrong move dahil nakita ng lahat kung sino ako.

"N-nixy" magkasabay na sigaw ng mga estudyante pati na ang hari at reyna ng magicue kingdom.

Shit! Nakita na nila ako. Tiningnan ko lang sila ng malamig atsaka ibinalik ko ang tingin sa hari.

Walanghiya siya. Angsakit kaya. Huhuhu. Tiningnan ko ng masama si King Edward atsaka gumawa ng earth poison explosive ball. Itinira ko ito sakanya ngunit tinapatan niya ito ng dark balls. Sumabog ang gawa ko kaya kumalat ang poison sa hangin. Ginawan ko ng shield ang mga nanonood sa baba pati na rin ako may shield.

Samantalang hinigop naman ng air power ni King Edward ang poison sa hangin at pinawala. Marami na siyang sugat samantalang may kaunting galos ako. Pinatamaan niya ako ng maraming  dark blazing fire ball kaya umilag ako at tinapunan siya ng water balls.

Tinapunan ko siya ng ice crystal balls at natamaan naman siya nito sa gilid na ikinatumba niya. Hindi ko na siya pinatayo at gumawa muli ako ng light balls na kasing laki ng bola ng basketball. Natamaan siya nun sa tiyan niya kaya napuno siya ng dugo. Lalapitan ko na sana siya ng bigla siyang mawala. Nagpalinga linga ako pero hindi ko siya makita kahit saan.

Ilang sandali lang ay nakaramdam ako ng malakas na enerhiya galing sa taas kaya tumingala ako at nakita ko ang hari ng kadiliman na gumagawa ng isang black hole na kung saan ay pagnahigop ka nito ay mapupunta ka sa dark planet. Ang dark planet ay lugar na kung saan puro kadiliman ang makikita mo.

"Kung mamamatay lang din ako dapat ay isama ko na kayong lahat" sabi ng dark king na tumatawa.

Pipigilan ko na sana siya sa paggawa ng black hole pero nahuli na ako. Natapos na niyang gawin ito. Naramdaman ko ang paghigop nito saamin.

Hindi! Kung kailangan kung ibuwis ang buhay ko ay gagawin ko para lang mabuhay ang mga taong mahal ko.

Gumawa ako ng napakakapal na shield para sa mga fantasian sa baba para hindi sila matangay ng black hole. Tiningnan ko ang mga nasa baba at nakita ko ang mga kaibigan ko na umiiyak na. Ang mga magulang ko na nakayakap sa isat isa pero umiiyak din. Mga estudyante, guro at mga kawal na nakangiti pero halatang nalulungkot. At ang mahal ko, ang mahal ko na umiiyak na. Patawad firen, mahal na mahal kita. Pinasadahan kung muli ang lahat bago ko tiningnan ang black hole. Nakita kong natangay na ang hari ng kadiliman kaya hinayaan kong rangayain ako nito pero bago yun ay hindi ko lang basta bastang iiwan ang mundong ito na wasak.

Inipin ko lahat ng kapangyarihan ko sa kamay ko at ng naipon na ito ay itinapun ko ito sa iba't ibang parte ng fantasia. Papalapit na ako sa bunganga ng black hole pero bago ako nito tuluyang lamunin ay nag iwan muna ako ng isang mensahi sa kanila.

Paalam fantasia.........

Firen's POV.

Nang makita ko si Nixy ay nakaramdam ako ng saya pero may lungkot, takot at pag aalala.
Saya dahil nakita ko siyang muli. Lungkot, takot at pag alala para sakanya kung ano man ang kinalabasan ng paglalaban nila ni King Edward.

Nang gumawa si King Edward ng dark hole ay labis ang taranta naming lahat na mahigop nito pero mas nag aalala ako kay nixy. Baka kung anong mangyari sakanya. Nagulat ako ng may nakapalibot na saaming shield na napakakapal. Tiningnan ko si Nixy dahil alam kung siya ay may gawa ng shield. Napamura ako ng makitang walang shield si Nixy. Tiningnan niya kami isa isa at tumutulo na ang luha. Hindi ko din maiwasang maluha. Mula siyang tumingin sa black hole at ng makita niyang natangay ang dark king ay hinayaan niya ang sarili niyang matangay din. Tinawag namin siyang lahat pero parang wala siyang naririnig. Baka siya mahigop ng tuluyan ay inipon niya ang kapangyarihan niya sa palad niya at itinapon sa ibat ibang bahaging fantasian. Hanggang sa tuluyan siyang nahigop ng black hole at ilang sandali lang ay bigla na lang itong sumabog. Pero bago yun sumabog ay narinig ko ang bises niya sa isip ko.

I love you, sorry and goodbye......

Yan ang huli kong narinig sa isip ko at may narinig pa kaming boses na galing kay nixy.

"Nawala man ako, pero alam kung mananatili ako sa puso niyo. Salamat. I love you Mama and Papa"

Napaiyak kaming lahat nun. Unti unti na ding sumilay ang araw hudyat ng bagong buhay at pag asa. Ang paligid ay nagbago, kung dati ay maganda na ngayon ay mas gumanda pa at naging magical. Ang dating dark kingdom at dark academy ay naging isang magandang paraiso na. 

At lahat ng ito ay dahil kay nixy o Princess Nicole.

I love you and goodbye my princess.....

THE LEGENDARY PRINCESS (Completed)Where stories live. Discover now