Part 1

21.8K 326 32
                                    

CT

Napatigil ako sa paglalakad nang biglang tumunog ang tyan ko, kumalam i mean. Agad akong napatingin sa suot ko'ng relo, 9 o'clock na pala, kaya pala nag aalburuto na tyan ko eh.

Medyo nagugutom na din talaga ako dahil hindi pa ako nakakapag almusal. Pag dating ko kasi sa talyer kanina nautusan na agad ako ni papa na kunin ko 'yung hinihiram nya kay ka Mashang, ewan ko kung ano 'yun basta sabihin ko na lang daw kay ka Mashang na pasuyo nong hinihiram nya at alam na daw 'yun.

Pero nagugutom na din talaga ako.

Sa paglalakad ko ay may natanaw ako sa kabilang kalsada na nag titinda ng kung anu-ano, at isa sa mga nakikita ko ay kwek-kwek.

"Ate pabili nga po." Agaw pansin ko sa babae na kasalukuyang inaayos mga paninda nya.

"Saglit iha, alin ba sayo?" Tanong nya

"Kwek-kwek po at kikiam." Sambit ko saka ako ngumiti sa kanya. Binigyan nya lang ako ng lagayan at hinayaan nya na akong kumuha.

Sa tingin ko ay kaluluto pa lang din ng mga paninda nya, mainit pa kasi yung kikiam at kwek-kwek, mabuti na lang din.

"At isa din nga po'ng palamig." Sambit ko matapos ko makain lahat 'yung kinuha ko kanina.

"Iha tagarito ka ba sa barangay na'to?" Tanong sakin nong nagtitinda matapos nya ako abutan ng palamig.

"Ay hindi ho, may pupuntahan lang po ako na tagarito, kay ka Mashang ho." Magalang na sagot ko

"Ah kay ka Mashang ba, diyan ang bahay nila sa unahan pa, yung asul na gate sa kilawa." Aniya pa. Alam ko naman ang bahay nina ka Mashang dahil minsan na akong nakapunta doon, kaibigan kasi sila nina mama  "Taga san ka pala iha?"

"Dyan lang po sa Brgy. Matatas."

(AN: pasensya na wala ako maisip na iba eh, meron ba lugar na ganyan?)

Medyo nailang pa ako dahil pinakatitingnan akong mabuti ni ate. "Napakaganda mong bata iha. Anong pangalan mo?" Ngayon ay nakangiti na sya sa akin.

"CT po." Masayang sagot ko at saka iniabot ko na rin bayad ko. Ikaw ba naman mapuri ang kagandahan.

"CT? CT lang ba kamo?" Medyo clueless si ate

"Ai hindi po pinaikli lang po ng Caitlyn Teevan, kaya CT po." Anong meron sa name ko at lagi nilang tinatanong yan?

"Ah CT ba kamo." Nakangiti ulit sya sakin "Kung pwede lang ako na mag decide sa paglilihihan, eh ikaw na sana, ang ganda ng mga mata mo eh." Natawa pa sya pagkasabi non. So ibig sabihin buntis pala sya.

Gumanti na lang din ako ng ngiti dahil di ko maisip ang isasagot ko. Gusto pa ako paglihihan ni ate. Haha first time ko maka encounter ng tao na masasabihan ako ng ganito.

"Sya sige at ako'y mauuna, mag re'recess na sa school maya-maya kailangan ko na pumwesto doon." Nakangiting aniya

"Ay sige po ingat din po kayo."

Pagbalik ko sa talyer andon pa din si papa na kasalukuyang may ginagawang jeep.

"Papa ito na po yong pinapakuha nyo kela Aleng Mashang." Agaw atensyon ko sa dahil masyado itong abala sa pag kumpuni.

Hindi ko din alam 'tong pinahiram ni papa, naka box kasi at hindi ko na pinag abalahan tingnan kanina.

"Lapag mo na lang dyan." Sagot nya habang abala sya sa pag kalas ng kung ano don sa ginagawa kinakalas nya. "Sabi ng mama mo di ka daw kumain kanina, nandyan may binili akong ulam." Ani papa

"Ayun! Buti na lang, kain muna ako papa, maya na kita tutulungan dyan." Sabi ko at saka ako mabilis na nagtungo sa mini kusina ng talyer.

Ay teka ang dami ko na palang dada no? Papakilala muna ako.

Alexa West a.k.a SungitOnde histórias criam vida. Descubra agora