Part 22

6.8K 222 41
                                    

CT

Henero Beach Resort and Eco-Tourism Park

'Yan ang mababasa sa arko sa entrance ng resort. 'May mga sumalubong agad samin at nagbitbit ng mga gamit namin. Naka packbag lang naman ako kaya di ko na pinadala sa kanila. Inihatid kami ng mga staff sa inukupuhan nina Sungit. Maganda ang spot na inukupahan nila na bahay, nasa beachfront at dalawang palapag. Mamaya tatambay ako sa veranda sa taas.

Dumanting kami dito eh alas una na ng hapon, two days daw kami dito sabi nila. Halos apat na oras din ang byahe at medyo nakakapagod. Tipong kahit nakaupo lang eh pakiramdam mo eh pagod ka. Ok lang sana kung katabi ko si Sungit kanina, baka di ko pa feel 'yung pagod ng byahe. Charot.

Di ko feel kumilos kaya nahiga na lang ako sa couch. Lumabas 'yung mga kasama ko matapos nila makapag-pahinga kanina, inaya nila ako para magtitingin-tingin sa mga activity ng resort pero nagpaiwan muna ako.

"CT!" Tuwang-tuwa na bungad ni April na kararating lang "Di ka sumama, ang daming pretty girl na naglalaro ng volleyball." Patakbo syang lumapit sakin

"We di nga?" Usal ko at agad na napabangon sa couch

"Oo nga, ayan kasi, di ka sumama." Kunwaring paninisi nya. May tiwala ako kay April, pag sinabi nya na magaganda ang mga 'yun, naniniwala ako.

"Naglalaro pa sila?" Agad na tanong ko.

"Oo, tara manood tayo." Aya pa ni April sakin

"Mang chi'chics na naman kayo." Puna samin ni Marlex na kararating lang, narinig pa nga pinag-uusapan namin. Kasunod nyang pumasok si Sungit at Kaye, di yata nila kasama si Tash bumalik.

"Did i heard it right? Chics? Sino mang chi'chics?" Kunot noo na tanong ni Kaye

"Si Syudad at April, manonood daw ng volleyball dahil madaming magagandang babae na naglalaro." Sagot ni Marlex "Syudad, kanina sabi mo ayaw mo muna gumala dahil pagod ka pa, pero pagdating sa chics nagka-energy ka bigla." Ngisi ni Marlex sakin

"Wui di ah." Tangi ko

"Ah kaya pala." Pabalang na sagot nya na todo ngisi pa din sakin.

"Tara na CT, baka mamaya matapos na game nila eh." Aya sakin ni April

"Sige sige." Masaya ding usal ko at mabilis na tumayo sa couch.

Pagtingin ko kay Sungit naglaho 'yung mga ngiti sa labi ko. Sobrang sama ng tingin nya sakin, as in galit talaga 'yung way ng titig nya. Mapagbanta at nakakatakot kaya lihim na napalunok laway na lang ako.

"Uhm..." Usal ko at alanganing ngumiti kay April "Ano pala, aish...." Kunwaring daing ko sa balakang ko "Ansakit ng balakang ko, n-next time na lang tayo manood." Pagkukunwari ko

"Huh?" Halatang gulat na usal ni April dahil sa sagot ko

Pasimple muli akong sumulyap kay Sungit, ganun pa din itsura nya kaya mabilis din ako nag iwas "M-masakit kasi eh, gawa siguro sa byahe." Pag sisinungaling ko pa ulit at saka ako bumalik ng upo sa couch.

"Tsk, o sya sige bahala ka. Ikaw din." Nakahinga ako ng maluwag dahil di na sya namilit pa. Ganun pa naman sya minsan.

Ang balak ko sana eh manood para i check ko lang ang sarili ko kung maa'attract ako sa ibang babae. Kasi inaamin ko na gosh attracted ako malala sa babaeng masungit na 'yan. Gusto ko lang alamin kung magiging ganun din ako sa iba. Sabi pa naman ni April magaganda 'yung mga naglalaro doon.

Alexa West a.k.a SungitWhere stories live. Discover now