Part 16

6.8K 222 16
                                    

CT


"O ano sino na, sino na taya?" Excited na sambit ni April habang iniintay namin kung kanino tatapat ang bote.

Naglalaro kami ng spin at para my thrill eh dare lang ang gagawin nang kung sino mang matatapatan ng bote. Bubunot sya sa mga papel na nakatupi kung saan nakasulat ang mga dare, mga keyword lang mabubunot mo at bahala na mag suggest ng dare yung naunang nataya sa daregame.

Sabay-sabay kaming naghiyawan nang tumapat kay April ang bote. Sya 'yung excited, sa kanya tumapat.

"Oh April, bunot na." Kantyaw ni Cha. Si Charmaine ang nataya kanina, at 'yung dare sa kanya ay chicken dance sa harap ng at least limang estudyante.

Nakasimangot na bumunot sa glass jar ni Cha si April, at pagkatapos nya makuha ay iniabot na nya kay Cha.

"Kiss, ang keyword na nabunot ni April." Tuwang-tuwa sabi Cha.

"Hoy, teka, sa cheeks lang ha, buwisit kayo. Oh sige anong gagawin?"

"Sige. Uhm kiss someone na unang dadaan don." Sabay turo ni Cha sa may floating garden.

"Go April!" Sigaw ni Cado

"Halik 'yan bes chance mo na!" Sunod na sigaw ni Marlex

Habang ako, natatawa na lang kay April na nag iintay sa gilid ng floating garden, imposible na walang dadaan dyan. Laging may estudyante na pumapasyal diyan, meron kasi itong maliliit na tulay na gawa sa semento at bale apat na tulay iyon na papaikot lang sa floating garden. Tapos sa dulo ay may mga bulaklak na naka arrange ng tanim, kaya maganda mag picture.

May natanaw na kami na isang babae na mukhang magagawi sa floating garden.

"Ayan na, gurlaloo pa nga." Tuwang-tuwa na ani Marlex.

Lahat kami ay tutok na tutok sa kilos ni April. Iniintay na lang kasi ni April na makalapit 'yung babae sa gawi nya. Sa kabilang side ang daan nong babae kaya pumunta si April kung saan e'exit ng daan 'yung babaeng iniintay nya.

"Ayan na, ayan na!" Parang bulate na turan ni Marlex.

At halos lahat kami ay na'shock nang mahalikan ni April 'yung babae. Hindi ko alam ang naganap pero ang malinaw lang sakin ay sa lips mismo nahalikan ni April 'yung babae. Naiwan pa nga itong tulala matapos mahalikan ni April.

"Sa lips yun di ba? Sabihin nyo na sa lips yun." Parang shungang turan ni Marlex na kinukublit pa ako

"Oo sa lips nga." Animong manghang tugon ni Cha.

Makabalik ni April sa kinaroroonan namin, kapwa lahat kami ay tahimik. Wala sa amin ang makapag react, na kahit si Cado nakaawang na lang ang bibig sa nakita kanina.

"Ano?" Inis man pero halata ang pamumula ng mukha ni April. "Wag nyo na subukan mag salita kayo ang may kasalanan nito." Ramdam ko 'yung hiya at the same time gigil ni April dahil sa nangyari sa kanya.

Kunwaring umubo na lang si Cado. "Okay, spin ko ulit."

'Yung lahat kami na nandito eh gusto tumawa pero hindi namin magawa. At sa kamalas-malasan eh sa'kin tumapat ang bote.

"O Syudad, sa wakas natapatan ka na din." Tuwang-tuwa na usal ni Marlex. Kanina pa kasi kami naglalaro at hindi natatapat sakin, lahat sila nakagawa na ng mga sari-saring dare pero ako ni isa ay wala pa.

"Oo nga eh, parang di sya kasali sa laro natin." Komento ni Cha at iniaro na sakin ang glass jar.

"May hanganan ang suwerte." Tumatawang turan ni Cado.

Matapos ko makabunot ay ibinigay ko na din kay Cha 'yung papel.

"O kiss din." Excite muli na usal ni Cha saka ni nya iniharap sakin 'yung papel na binunot ko.

Alexa West a.k.a SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon