Chapter 15
Isinama ako ni Sir Dean sa isang Business Event. Medyo bored na ako. Wala naman kasi akong naiintindihan sa mga pinag-uusapan nila. Matatandang businessmen ang kasalukuyang kausap ni Sir Dean. Bale lima kami lahat sa mesa at ang pakilala ni Sir Dean sa akin ay ako ang Secretary niya. Akala ko nga secretary slash girlfriend ang ipakikilala niya sa akin, mas mainam sana kung ganoon. Medyo nalungkot ako.
Malinaw pa sa patak ng ulan na wala kaming label. Tanggap ko naman ang ganitong set-up. Malay ko naman isang araw matutuhan niya rin akong mahalin. Minsan nahihiya na talaga ako sa pagtatapat ko sa kanyang gusto ko siya. Pero wala e, hulog na hulog na ako. Nagtagal pa ng ilang oras ang pag-uusap ng mga ito. Ako naman ay nanatili lang nakikinig. Pero ang totoo niyan ay inaantok na ako. Marahil sa sobrang dami ng kinain ko kanina.
---
"Hi," bati sa amin ng isang pamilyar na babae. In all fairness, maganda siya. Para siyang isang dyosa na bumaba sa lupa. Napaka-elegante ng suot niyang green silk tube top long gown na lalong nagpalitaw sa kaputian ng babaeng nasa harapan namin ngayon. Hindi pa rin nawawala ang ngiti nito kay Sir Dean. Nakaramdam ako ng kirot sa aking puso nang makilala ko na ang babae. Si Celine. Ang ex-girlfriend nang pinakamamahal kong lalaki. Nagulat si Sir Dean, hindi niya siguro inaasahang magkikita sila ngayon ni Celine.
"Hi!" ganting bati naman ni Sir Dean nang mahimasmasan. Hindi nakaligtas sa akin ang kislap ng mga mata niya. Ngunit seryoso pa rin ang mukha ni Sir Dean. Parang hindi naman nila ako nakikita. Nagngingitngit ang kalooban ko. Parang sila lang dalawa ang tao ngayon sa lugar na ito. Nanatili lang kaming nakatayo.
"Who is she?" Nang sa wakas ay mapansin din ako ng babae. Bigla akong nanliit sa aking sarili nang suriin niya ako mula ulo hanggang paa. Isang simpleng above the knee dress na kulay pula lang kasi ang suot ko.
Tumikhim si Sir Dean. "She's my secreatary." He smiled at her.
Nasaktan na naman ako. Hindi na lang ako nagpahalata. Bumaling ulit sa akin ang babae at nginitian niya ako. Gumanti rin naman ako ng ngiti.
"You look good together... bagay kayo." Walang bahid ng kaplastikan nang sabihin ni Celine iyon. Mukhang wala naman siyang balak landiin si Sir Dean. May asawa naman kasi ito at anak.
"Mas bagay tayo..." he said seriously reffering to Celine. Joke man o hindi iyon pero ang sakit na talaga. Hindi naman pinansin ni Celine ang sinabing iyon ni Sir Dean, ngumiti lang ang babae. "Where's your husband?" tanong niya pa kay Celine.
"He's in a business trip," matipid na sagot ng babae.
"Excuse me, Ma'am and Sir. Lalabas lang po muna ako." Hindi na ko nakatiis at nagpaalam na lang ako. Nakaka-out of place naman kasi. Kaya bibigyan ko na lang muna sila ng panahong mag-chikahan hanggang madaling araw. Hindi ko na hinintay ang reaksiyon ni Sir Dean at noong Celine na iyon. Nakaka-imbiyerna na kasi sila. Mabilis akong nakasakay ng elevator. Kaso may humabol at kamuntikan pa akong masubsob.
Tiningnan ko kung sinong lalaking tumulak sa akin. Si Sir Dean pala. Bakit siya sumunod?
"Bakit mo ako iniwan doon?" he asked. But I can't speak right now. Pakiramdam ko kasi nabalewala ako dahil kausap niya kanina ang ex niya.
Hanggang sa makasakay kami ng kotse ay hindi ko pa rin siya iniimikan. Hindi rin niya ini-start ang kotse. I heard him sighed. Hindi ko alam kung para saan iyon. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana.
"Why did you leave me there?" he asked again.
Takte in-english niya lang! Ano ba gusto niyang isagot ko? Na nagseselos ako?
Humarap ako sa kanya. "I'm just tired." I said and faked a smile.
"Tired? Or... you're just jealous?"
BINABASA MO ANG
HIS DISASSEMBLED HEART ✈ ✅(Completed)
General Fiction✈ Guwapo, mayaman at yummy. Pero masama ang ugali kung i-describe ni Meria Rosas ang kanyang Boss. Kung hindi lang mataas ang pasahod nito sa kanya ay matagal na siyang nag-quit sa trabaho. Malaki kasi ang galit nito sa mundo at siya lagi ang pinagd...