Chapter 22 ✈🛩

2.7K 53 0
                                    

Chapter 22

Dalawang oras din kaming na stuck sa traffic. Akala ko sa bayan lang ang sinasabing event na pupuntahan namin, sa Maynila pala. Nagulat na lang ako nang ipasundo kami ng kumpare ni Tatay, at may kotseng huminto sa harap ng bahay namin. Nakapagtataka lang talaga. Parang biglaan, e.

Nakaidlip ako sa biyahe, para akong hindi mapakali. Sabi ni Nanay huwag daw akong mainip. Huminto ang sinasakyan namin tapos bumaba na kami.

"Welcome to Glass House Museum." Basa ko.

Iyon kasi ang nakalagay sa labas ng gate bago makapasok sa pinaka-entrance ng establishment. Para siyang isang malaking Mansion. Puro nga lang salamin ang nakapalibot dito. Kaya siguro tinawag na Glass House.

Pagpasok namin sa loob ay tumambad sa amin ang mga taong mukhang sosyal. Makikita naman iyon sa mga kasuotan nila. Busy sila sa pagtingin-tingin sa mga displayed cessna's. Lumaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong pamilyar ang mga Cessna na iyon.

"Nay, mali yata tayo ng pinuntahan?" tanong ko kay nanay matapos ko siyang sikuhin.

"Dito iyon, diyan ka muna. Pupuntahan lang namin si Kumpare." Sabi naman ni Tatay. Saka sila mabilis na naglaho. Char lang. Umalis na silang dalawa na parang excited.

Kanino kaya ang mga display na ito? Tanong ko sa sarili. Ang ganda ng mga cessna. Fully painted, binilang ko, saktong sampu. Ang nakapagtataka lang may isang cessna na nakatakip ng telang kulay ginto. Parang bukod tangi iyon. Baka may surprise. Ipinagwalang-bahala ko na lang ang isipin na iyon. Nakakatuwa ang ideyang ito. Parang pinintahan ng iba't ibang various painter ang mga Cessna. May abstract ang tema, iyong iba puro flowers, may paint din na parang sa dagat. Iyong sa isang cessna, may babae na nakaakyat sa ladder tapos nagre-repair ng cessna. Pagkatapos iba't ibang galaw lang noong babae. May nagbubuhat pa nga ng paleta, nagse-selfie. Parang iyong nakapinta sa cessna ay nagsasaad ng kilos at galaw ko? Grabe ha, baka nagkataon lang? Sino naman sira ulong makakaisip ng ganoon?

Hindi ko maiwasang humanga sa mga nakikita ko ngayon. Ilan kayang pintor ang nagpinta sa mga cessna na ito. Sabagay, art rin naman kasi iyon. Ang galing nga nang nakaisip nito. Patuloy lang ako sa paglilibot, dedma lang ako sa mga taong naririto.

Inilabas ko ang cellphone ko sa black purse na hawak ko. Siyempre, hindi ko palalampasin hindi makapag-selfie sa mga naggagandahang mga displayed cessna na nandito. Selfie is life. Natawa ako sa sarili. Wala akong pakialam kung pagtinginan man ako ng mga tao sa paligid ko sa kaka-selfie. Nang matapos ako sa kakakuha ng selfie pictures ko ay inikot ko ang paningin sa buong paligid. Pakiramdam ko kasi, parang may nakamasid sa akin. Ang creepy kaya.

"Ladies and gentlemen. Maraming salamat po sa pagpapaunlak ninyong magpunta rito sa event na ito. Kung saan opisyal na sa araw na ito ang pagbubukas ng Glass House Museum," narinig kong sabi ng Event Host. Ang atensiyon ng lahat ay nasa Host lamang. "Ang GHM ay bukas sa mga turistang nais bumisita dito. Ang malilikom na pondo ng GHM ay mapupunta po sa charity works. Upang kahit paano ay makatulong ang founder nito sa mga mas nangangailangan." Sabi pa ni Mr. Host.

Ang galing naman pala ng advocacy ng may-ari nito. Thumbs up para sa kanya. Pagkatapos magsalita ang Host ng event ay may tumugtog na sa stage. Tatalikod na sana ako upang hanapin sina Nanay at Tatay, pero napahinto ako.

If the heart is always searching
Can you ever find a home
I've been looking for that someone
I'll never make it on my own
Dreams can't take the place of loving you
There's gotta be a million reasons why it's true

When you look me in the eyes
And tell me that you love me
Every thing's alright
When you're right here by my side
When you look me in the eyes
I catch a glimpse of heaven
I find my paradise
When you look me in the eyes

HIS DISASSEMBLED HEART ✈ ✅(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon