Ang Aking Perfect Girlfriend J (part 24)

10.1K 46 4
                                    



author: cloud9791

Kay Nino...

Tanghali... sinama ko ang ilang klasmate ko sa First year college sa school sa

bahay namin. Tatlong lalaki at isang babae. Limang miyembro para sa isang

grupo para gumawa ng group report kasama ako.

Ginawa kami ni Nanay ng Juice at tasty na may palaman bilang meryenda

namin.

"Ambait naman ng Nanay mo classmate... maganda pa! ", sabi ni Ronie ang

kaibigan ko sa grupo.

"Syempre tsong! Dun ako nagmana sa kabaitan e. Tsaka maganda't guwapo

talaga lahi namin! hahaha! ", pagbibiro ko.

"Sus parang hindi naman. Panay bulakbol ka nga e! ", biglang nagsalita ang

nag-iisa naming babae sa grupo na si Ana.

"Psscchtt... Wag ka maingay... baka marinig ka nanay ko... patay ako

dun... ", saway ko sa aming kaisa-isang ka-grupong babae.

"Hahaha ", tawa nila.

Si Ana... Crush sya ng kaibigan kong si Ronie. Tuwang-tuwa si Ronie

nang maging ka-grupo namin eto.

"Teka mga classmate... sino mag-eexplain nito?... Ikaw ba Ronie o si Alfred?

", tanong naman sa amin ni Adrian.

Si Adrian ang group leader namin. Isa sa mga pinakamatalino sa klase namin.

Mabait at may pagka-nerd ng unti.

"Si Ronie na lang... ako na dun sa mas madali hahaha ", sagot naman ni

Alfred.

Si Alfred naman ang kabaliktaran ni Adrian. May pagka-tamad sa klase kung

hindi absent... late.

Nang may marinig kaming mahinang tunog ng humintong sasakyan sa harap

ng bahay namin.

Sumunod ang tunog ng nagbukas at nagsarang pinto ng isang kotse siguro

naisip ko. Mukhang sa harap nga namin tumigil.

"May bisita ata kayo tsong a... ", sabi naman ni Ronie sakin.

Tumayo na ako pumunta sa gate namin. Baka si Ate Jess naisip ko.

Halos mag-iisang linggo na rin hindi nagpupunta si Ate Jess sa bahay namin.

Si Kuya naman palaging lasing nung mga nakaraang araw rin.

Ayaw ko man isipin pero mukhang may nangyaring hindi maganda kina Ate

Jess at Kuya Ned ko. Naawa na ako kay Kuya. Sana nga si Ate Jess na to!

Siguradong manunumbalik ang kasiglahan ni Kuya ko.

NAgmamadali kong binuksan ang gate...

PAgbukas ko...

Tumigil ata sandali ang mundo ko!!

"Hi there!!!... Is Cutie... Errh or Ned...Monedow... Monedoow Eugenioo

Home? ", tanong nang pagkaganda-gandang babaing nakatayo ngayon sa

harapan ko.

Feeling ko huminto rin ang pagtibok ng puso ko. Yung shock na

Ang Aking Perfect Girlfriend JWhere stories live. Discover now