Ang Aking Perfect Girlfriend J (part 25)

14.1K 92 32
                                    

Kay Grace...

Andito kami sa bahay nila Ate Kristine.Si Kuya Ned ko nakatayo sa may tabi
ng kabaong nya.

Tahimik na pumapatak ang mga luha ni Kuya sa salamin ng kabaong ni Ate
Kristine. Tapos papahiran nya ng braso nya ang mga mata nya at ang
natuluang salamin.

Kawawa naman ang Kuya ko...

Naiiyak rin tuloy ako...

Simula nung nawala si Ate Jess lagi nalang syang malungkot at umiiyak.

Tapos ngayon si Ate Kristine naman. Wala na tuloy tigil sa pag-iyak si Kuya.

"Huhuhu... sniffft... ", singhot ko rin kasabay nang kay Kuya Ned ko.

Nakaupo kami ni Kuya Nino sa isa sa mga upuan sa harapan para sa burol ni
Ate Kristine. Sala ata ito ng bahay nila. Maraming tao... Mga kaibigan,
klasmate at mga kamag-anak ni Ate Kristine.

Andito rin sina Ate Tin-tin at Kuya Obet nakaupo naman doon sa may
bandang likuran. Kausap ang ibang ka-schoolmate nila.

Sa may tabi ni Kuya Ned si Nanay hihimas-himas ang likod niya. Nasa kanan
naman ni Nanay si Tatay. Tinatapik-tapik din ang likod ni Kuya.

Walang paring tigil si Kuya sa pagpunas ng luha sa mga mata nya.

Kanina pa nakatayo si Kuya roon sa tabi ng Kabaong ni Ate Kristine. Ayaw
umalis kahit anong alo nila Nanay.

"Si Kuya ko... ", pumatak din tuloy ang luha ko.

Alam ko mahal na mahal ni Kuya si Ate Jess. Pero nitong mga nakaraang
araw bago mamatay si Ate Kristine. Nakita ko kung paanong unti-unti na
ring pahalagahan ni Kuya si Ate Kristine.

"Uy ano ka ba... eto oh... ", si Kuya Nino.

Binigyan ako ng panyo pampunas ng luha. Kinuha ko agad yun at agad ako
bumahing ng malakas.

Maya-maya umupo na sila Nanay at Tatay sa may tabi namin ni Kuya Nino.

Si Kuya Ned ko naiwan pa rin doon nakatayo sa may tabi ng kabaong ni Ate
Kristine.
Matiyagang tinitingnan pa rin si Ate Kristine sa loob.

Kahit may mga balot pa sya ng benda sa mga kamay nya... Sa may
mukha... sa ulo... sa katawan... tapos meron din sya sa may mga hita at
binti na hindi lang kita dahil sa natatakpan ng maong.

Alam ko hindi pa masyadong magaling ang mga sugat ni Kuya. Pero andun
lang sya nakatayo.

Napasinga tuloy uli ako sa panyo ni Kuya Nino.

"Oh anak dahan-dahan... ", si Nanay sabay himas sa may likod ng ulo ko.

"Eh kasi po Nay... kasi po... si Kuya e... ", sabi ko kay nanay.

"Labhan mo yan ha... ", sabi ni Kuya Nino na parang nang-aasar.

"Che! ", sabi ko nalang sa kanya.

Pinagdasal ko nalang na sana makabawi na si Kuya sa mga malulungkot na
nangyayari sa kanya.

============================

Kay Ned...

Nasa burol kami ngayon ni Kristine. Hindi ko akalaing mangyayari to. Pero
eto ako ngayon nakatayo sa may tabi ng kabaong niya.

Ang maamo at maganda nyang mukha... Ang mukhang palaging nakangiti...
Ngayon wala ng buhay... Nahaharangan na nang salamin ng kabaong.

Parang kelan lang lagi kami magkasama. Lagi nya ako nilalambing... niyayaya
mamasyal... nag-iikot kami masaya na sya kasama ako... tapos ngayon...

Ang Aking Perfect Girlfriend JOnde histórias criam vida. Descubra agora