6

63 3 0
                                    

Sa pag-ibig na di tiyak
Puso ko'y siguradong mabibiyak.
Hindi ko matakasan,
Malupit na nakaraan.

Ako'y nagsusumamo,
Pagkawasak nawa'y hindi matamo
Ngunit mali ako,
Mali nanaman ako.

Sa bawat araw na lumipas,
Paghihirap dinaranas.
Ang tanging nasa isip,
Ngiting naglulunod sa aking isip.

Gusto kita. Mali, mahal na pala kita.
Sabi mo'y nais mo rin ako.
Pero anong ginawa mo?
Nagpakilala ka ng nobya sa ating grupo.

Labis ang sakit.
Labis ang hinagpis.
Patuloy na sinasambit,
Sana'y ako nalang ulit.

Stationery And PenМесто, где живут истории. Откройте их для себя