Charger ko'y mahaba
Kaya ako'y hila ng hila
Sa sobrang paghila
Koneksyon ay naputol na
Parang tayo,
Akala mo kasi pasensya ko'y ubod ng haba
Kaya hila ka rin ng hila
Pasensya'y naputol na
Ngayon tayo'y wala na.
Pasensya, hindi na mauulit.
Yan ang sinasabi ng paulit ulit
Ngunit,
Pasensya na rin, at ang magtiwala sayo'y di na rin mauulit.
BINABASA MO ANG
Stationery And Pen
PoetryCompilation of poems I wrote. Hindi naman ako magaling gumawa pero I just love writing tho. :) Cover by: -bamseol