016

361 12 4
                                    

016


×××××××××


Naninibago ako ngayon. Tatlong araw ko ng hindi pinapansin si Josh, ganon din sya sa akin. Wala na 'kong natatanggap na chats mula sa kanya, last na nung birthday ko.


Madalas ko na din silang nakikita na magkasama ni Marga. Isang beses, nakasalubong ko sila. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil naiilang ako sa tingin na ibinibigay nila pareho.


Kaya ayon, nilagpasan ko na lang sila. Nag-pretend na hindi ko sila nakita at nakikita. I admit, I miss Josh.


Minsan lang naman kami magkasama, tapos pag nagkasama pa kami, puro away at insultuhan lang. Kahit papaano, nakaka-miss.


Mukhang girlfriend nya na si Marga. Kaya siguro sila madalas magkasama.


Si Yael na ang madalas kong kasama. Nahahalata nya din siguro ang iwasan namin ni Josh kaya hindi nya ino-open ang nangyari last week.


"Amanie, may nakalimutan ako sa bahay. Pwedeng samahan mo muna 'ko kuhanin 'yon bago tayo pumasok? Promise, mabilis lang 'to!" Napanguso ako sa sinabi ni Yael. Madalas na kaming sabay kung pumasok, lagi nya 'kong sinusundo sa bahay.


Mas lalo tuloy lumalala ang pang-aasar sakin ni Papa.


"Ano bang kukuhanin mo don?" Tanong ko at saka ni-lock ang gate namin.


"Yung book ko sa Filipino 10. El Fili. Bawal maiwan 'yon." Aniya. Inirapan ko sya atsaka umiling.


"Oo na, bilisan mo na lang ah? Baka ma-late tayo. Tsk, tinatamad pa naman ako maglakad ng maglakad ngayon."


"Lilibre kita mamayang uwian!" Sigaw nya at hinatak ako sa kamay.


"Libre mo mukha mo!" Sabay kaming napalingon sa likod ni Yael ng marinig namin 'yon. Si Princess.


"May problema ka ba sakin, ha?" Ani Yael. Ganyan na lang sila palagi, sa tuwing nagkakasalubong ang landas, parang aso't-pusa kung mag-away.


"Yung totoo? Meron." Sagot ni Princess at saka inirapan si Yael at tinalikuran.


"Ano bang meron at parang galit na galit sakin pinsan mo?" Tanong ni Yael habang naglalakad kami.


"Ano ba kamong meron at lagi kayong nag-aaway sa tuwing nagtatagpo ang landas nyo?" Natatawang balik na tanong ko sa kanya. Sumimangot lang sya at di sumagot.


"Hahanapin ko lang sa taas, dito ka muna. Mabilis lang 'to, promise!" Ani Yael pagkarating namin sa bahay nila. Tumango na lang ako at saka sya patakbong pumanik.


Dinukot ko ang phone ko sa bulsa ko atsaka nagpatugtog ng malakas. Wala naman yata tao bukod sa'min.

Memory Of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon