052

104 6 8
                                    

052


======================



"Hindi pa man kayo nagkikita ni Josh, mukha na agad pinag bagsakan ng langit at lupa 'yang itsura mo." Bahagya akong natawa sa sinabi ni Cess. Bitbit ko ang iced coffee na ginawa ko para sa amin dalawa at saka ako lumapit at umupo sa tabi nya.


"Sira, syempre kinakabahan lang naman ako." Sambit ko sa kanya. Inabot ko sa kanya ang isang baso at kinuha nya naman iyon. Umupo sya nang maayos at humarap nang diretso sa akin.


"Bakit ka naman kakabahan?" Aniya. 


"Sige nga, kapag ba kayo ni Yael mag-uusap hindi ka kakabahan?" Tanong ko sa kanya. Hindi sya nakasagot agad kaya naman hindi ko napigilang tuluyan nang matawa sa kanya.


"Hindi ako kakabahan, pero mahihiya siguro ako.." Kumunot ang noo ko sa naging sagot nya. Bago pa man ako muling mag salita ay hinampas nya ako sa braso. Inis ko syang tinignan. Napaka sadista talaga ng babaeng 'to.


"Pwede ba, 'wag mo ibaling sa akin itong usapan. Ahh, basta! Mag-usap kayo, kung kinakailangan nyo mag overnight, go lang. Ako na bahala mag sabi kay Tito. Basta pag-uwi mo, kwento mo sa akin nangngyari. Arasso?!" Napairap na lamang ako sa inasal ni Cess. As if naman kasing may choice ako. Hay




Nakatitig ako sa sarili ko sa salamin at rinig na rinig ko ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam bakit ako sobrang kinakabahan. Kung sa takot ba ito o sa tuwa o pareho. Bumuntong hininga ako at kinuha na ang mga gamit ko. Ang sabi ni Josh ay susunduin nya na lang ako dito at may pupuntahan kami. Baka doon siguro ako kinakabahan. 


"You ready? Nasa baba na si Josh." Ani Cess pagpasok ng kwarto. Tumango lamang ako at lumabas ng kwarto. Bago ako tuluyang makalabas ay hinatak ako papayakap ni Cess na ikinagulat ko.


"Forget about the problems for awhile, Ams. And try to enjoy this day like it's just you and Josh and nothing else matters." Aniya at saka humiwalay nang yakap sa akin. Ngumiti ako sa kanya at tumango lamang.


Paglabas ko ng bahay ay agad rin akong napahinto nang makita ko ang hindi pamilyar na itim na sasakyan sa tapat namin. Sa harap noon ay nakasandal si Josh habang nakangiti sa akin. Tinanggal nya ang salamin na suot nya at kumaway sa akin at lumakad papalapit.


"Since when did you have a car?" Tanong ko paglapit nya. Hindi nya ako sinagot, bagkus ay hinatak nya ako papalapit at ikinulong sa mga bisig nya. Nang maamoy ko sya ay hindi ko mapigilan na mapangiti. Naghahalo ang natural na amoy nya pati na ang pabangong gamit nya. God, he smells like home.


"I missed you.." Bulong nya. Ramdam ko ang pag-iinit ng mukha ko ng maramdaman ko ang hininga nya sa leeg ko. Humiwalay sya nang yakap sa akin at muli akong tinitigan.


"Ehem, pasalubong, ehem." Sabay kaming lumingon sa likod nang marinig namin si Cess. Nakasandal sya sa pinto at nakangising nakatingin sa amin. Mas lalong nag-init ang mukha ko nang mapagtanto kong nanonood sa amin ang pinsan ko.

Memory Of UsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora