CHAPTER 41

11.6K 218 74
                                    

Someone's Pov

"Kamusta ka na dyan?" Nakangisi kong tanong sa babaeng bihag ko.

"Hayop ka! Walanghiya ka!" Sigaw nya sakin bigla.

"Palagi na lang bang ganito ang bati mo sakin your highness? Sobrang nakakalungkot naman kung ganon palagi ang bati mo sakin" Malungkot na saad ko sa kanya, pero tinignan nya lang ako ng masama.

"Kung nakakamatay lang siguro ang tingin matagal na kong patay. Hahaha pero hindi eh, kaya sige lang! Tignan mo lang ako ng masama, pag salitaan mo lang ako ng masama dahil hanggang doon lang naman ang kaya mo. Dito ka na mamamatay" Nakangising saad ko sa kanya.

"Hayop ka! Hindi ko hahayaang mamatay ako dito! Hindi nya yon hahayaan! Tandaan mo yan!" Galit na sigaw nya sakin.

"Hahahaha! Ilang taon mo na nga yan sinasabi sakin? Ilang taon na?" Mapangasar na tanong ko sa kanya.

Hindi naman nya ako sinagot dahil napayuko sya pero nung nag angat sya ng tingin ay tinitignan na naman nya ako ng masama.

"Bakit hindi ka makasagot? Bakit dinadaan mo na naman ako dyan sa tingin mong walang kwenta? Dahil alam mong wala siyang alam at wag kang mag alala malalaman din naman nya eh kaso patay kana ng mga oras na yon" Walang emosyong saad ko.

"Wala kang utang na loob! Wala kayong utang na loob! Mga hayop kayo!" Galit na galit na sigaw nya sakin.

"Kayo ang walang utang na loob! Kayo! At alam kong alam mo yon! Wag kang mag paka-santa! Dahil masahol pa kayo sa demonyo!" Galit na galit na saad ko at nag madaling umalis sa kulungan ng babaeng yon bago pa mag dilim ang paningin ko at mapatay ko sya ng wala sa oras. Kailangan ko pang mapuntahan ang isa ko pang bihag.

"Bakit ka nandito?" Walang emosyon na bungad nya sakin.

"Wooah. Woaah. Masyado naman atang harsh ang pag welcome mo sakin" Nakangiting pang asar na saad ko sa kanya.

"Hindi ka naman welcome dito" Wala pa ring emosyon na saad nya sakin.

"Man! Why so serious? Bakit hindi mo gayahin yung babae sa kulungan? Palaging galit pero ingat sya baka mamaya ikamatay nya yon" Natatawang sabi ko sa kanya.

"Don't you dare!" Pagalit nyang saad.

"Yan! Dapat ganyan! Nag pakita ka din ng emosyon!" Mapangasar na sabi ko.

Tinignan naman nya ako ng masama tsk sa pag tingin lang sila ng masama magaling. Weaklings.

"Anyway may gusto pala akong sabihin sayo. Nasakop na pala ni Klaus ang buong GA. At alam mo ba kung ano PA ang nakakagulat? Ang Reyna mismo ang nag utos na ibigay ito kay Klaus. Amazing right?" Saad ko at nakita ko ang galit sa mga mata nya.

"Hinding hindi ibibigay ni Carleigh sa isang tao ng basta basta ang GA!" Galit na sigaw nya sakin.

"Pero ginawa na niya. Si third na isa sa council ang may sabi sakin nito. Isa ding tanga ang reyna niyo tsk tsk" Mapangasar na saad ko.

"Bakit hindi ka na lang maniwala? Ibinigay ni Carleigh ang pamamahala ng GA sa Ama niyo." Walang emosyon na saad ko sa kanya.

The Queen Four Identity (COMPLETED)Where stories live. Discover now