CHAPTER 47

10.3K 189 24
                                    



CARLEGH'S POV



"Mom, kuya let's go ipapakilala ko kayo sa mga kaibigan ko. Makakatulong din sila satin para mapatay ang taong yon" Seryosong sabi ko sa kanila.



"May kaibigan ka pang iba bukod kila jasmine?" Taas kilay na tanong ni kuya na-meet na nga niya yung iba mag tatanong pa. Inirapan ko lang siya at hindi na sumagot pa. Hindi pa kasi nila alam na nag traydor si jasmine.



"Nasan na nga pala si jasmine? Hindi man lang niya kami ni-welcome ni mommy" Kunot noong tanong niya, si mommy naman ay natutulog na sa back seat, napagod at kakaiyak kay dad kanina.




"Patay na si jasmine" Walang emosyong saad ko.




"WHAT???" Gulat na gulat na sigaw niya kaya bigla kong naapakan ang break tsk.




"Oh my god! What happened??" Gulat ding saad ni mommy na halatang kagigising lang. "Mom si jasmine" Mahinang bulong ni kuya at parang wala pa siya sa sarili niya tsk. Ang sabihin niya may gusto siya kay jasmine, what a pedo. Yuck.




"What happened to jasmine? Nasagasaan niyo ba? Oh my god I told you not to be a reckless driver carleigh!" Sigaw ni mommy kung hindi lang talagang seryosong nagulat si kuya siguradong tumatawa na ako ngayon, ang epic ni mommy eh.



"Mom calm down, nagulat lang ako ng sumigaw si kuya, wala tayong nasagasaan and I'm not a reckless driver!" Paliwanag ko sa kanya.




"Then why did you shout aki?" Iritadong tanong ni mommy kay kuya. Asar na si mommy haha nagulo kasi ang tulog niya, wala pa rin siyang pinag bago.



"Mom si jasmine" Ulit uli ni kuya habang nan lalaki pa ang mga mata tsk nakakatakot.




"Ano ngang meron kay jasmine aki?" Asar na nga talaga si mom haha.




"Jasmine is dead" Seryosong sabi ni kuya.

The Queen Four Identity (COMPLETED)Where stories live. Discover now