CHAPTER 11: Angelic Voice💗

5 1 0
                                    

Ripp's POV

Nasa bar ako ngayon kasama ang gago kong kaibigan.Kung di ba naman kalahating tanga,at wala man lang ginagawa para sa babaeng nagugustuhan nya.Tsk.Minsan talaga ang sarap din iuntog ang kaibigan kong ' to.

"Ano ganyan ka na lang ? Wala kang gagawin? C'mon bro,kung di madala sa usapan edi gumawa ka na ng moves para kausapin ka nya" medyo inis kong sabi.Nakakaines naman talaga,ang sarap na kaya ng tulog ko sa bahay tapos gigisingin nya lang ako para maglasing?Pambihira.

"Fvck.I dont know what to do bro,iniiwasan  nya ako ng wala namang rason" medyo lasing na sya.Nice maganda 'to.Knowing him?lumalabas ang tunay na sya kapag nalalasing.

Muli kong sinalinan ang kanyang baso.Ininom nya naman ito.Tsk.Problemado nga.Bihira naman kasi uminom si Rust.

"Yon na nga eh,iniiwasan ka nya ng walang rason tapos hahayaan mo lang sya? C'mmon bro,pano mo sya makukuha kong simula pa lang ganyan kana?"Litanya ko.Totoo naman kasi diba?Ni wala pa nga syang nagagawa ganyan na sya?Nakakagago lang.

Nakakapagtaka na sa kauna unahang pagkakataon ay ngayon lang sya mahihirapan sa babae.Tss.Nakakatawa.

Ganito nga talaga siguro ang epekto ng lintik na pagmamahal.

Napapaisip tuloy ako.Ganito rin kaya mangyayari sakin kapag na'inlove ako?

Tsk.Ano ba 'tong pinag iisip ko.Bakit ba napunta na sakin ang tungkol sa pagmamahal na yan?Kay Rust dapat yon eh.Tangna.Ang labo..

Bahagya kong ginalaw galaw ang ulo ko.P*ta,may tama na din yata ako.Kaya kung ano ano na ang naiisip ko.

Nilingon ko ang gawi ni Rust,kung saan sya nakaupo.Only to find out na umalis na pala ang gago.Tang*na.Iniwan ako.Hay*p na yan.

Akala ko pa naman ay makakausap ko na ng matino ang gagong yon...

Napailing na lang ako..

***

Yans Elle's POV

7:30 na ng magising ako.Oo nga pala nakatulog ako sa byahe.Hindi na ako nagtaka kung bakit nandito na ako sa kwarto ng magising ako.

I know my Kuya.Lagi nya naman ako binubuhat eh.Pakiramdam ko tuloy parang bata pa rin ang tingin nya sakin.Tsk.

Riiing.Riiiing.Riiing

Hinanap ko kung nasaan ang phone ko,matapos ko marinig ang tunog na iyon.

Ng makita ko ito sa may side table ay agad ko itong binuksan.

Sino kaya ang tumatawag na ito?Himala yata at may tumawag sa akin ngayon..

Pinindot ko ang answer at sinagot ito.

"Hello,sino ho sila? " Ang galang ko diba?Naman.Ako pa.

"Kyaaaaaah!Besssh kamusta kana?Ako to si Xyla..Andaya bilis mo naman makalimot" Omy.Is it real?Tumawag si Xyla?Buti naman naalala pa ako ng isang 'to.

"Wow ah,ako talaga ang nakalimot besh?Ikaw nga tong walang paramdam eh" sarcastic ko na sabi.Aba,mula ng lumipat ako ng school wala na syang paramdam eh.

"Ay,ako ba yon?Sorry na man..busy lang talaga ako besh..sorry na" naiimagine ko ang itsura nya ngayon.Napangiti ako,alam kong naka'pout na sya sa mga oras na 'to.Di na nagbago.

"Really?Kahit man lang isang Hi or Hello wala besh?lagi naman ako nagmemessage sayo sa FB pero kahit seen wala man lang.Tss."Nagtatampo na sabi ko.Syempre kokonsensyahin ko na.Ngayon lang naman sya tumawag eh.Kaya lubusin ko na.

Ang sama ko ba?Namiss ko lang talaga kasi ang bestfriend ko na ito.

"Kinokonsensya mo ba ako besh?Kasi kung oo,panalo kana besh,by the way..i will make it up to you besh.I have a surprise for you.See you soon...toooot-tooot" Ano daw?Halos wala akong naintindihan sa sinabe nya.Hindi man lang ako pinagsalita.Tsk.Grabe bestfriend ko ba talaga sya?

Loving Mr.ArrogantWhere stories live. Discover now