CHAPTER 16: It's Him💗

1 1 0
                                    

***

Patakbo kung tinungo ang kinaruroonan nya.

Nakita ko na inalalayan ito ng isang lalaki.Yong lalaking nakabangga nya.

"Ayos ka lang?may masakit ba sayo?" tanong ko.Umiling lang ito bilang tugon.

Nakatingin lang sya doon sa papalayong lalaki.

Grabe talaga ang isang 'to nabangga na lahat lahat nakuha pang pagpantasyahan ang lalaki na 'yon tsk!

"Hey!wag mo syang titigan andito ako oh!" saad ko.Ngumiti lang sya pero halatang pilit.

"Sorry!Pamilyar kasi sakin ang lalaki na yon.Kamukha nya yong kakilala ko.." kunot noo na saad nito.

"Guni guni mo lang siguro o baka naman gutom ka lang?" pagbibiro ko.Masyado kasing seryoso eh.

Agad akong nakatikim ng batok mula sa kanya.See?Kawawa ako peste!

"Baka ikaw ang gutom?tara na nga!" aniya.
Hinawakan kong muli ang kamay nya hindi naman ito nagreklamo pa.

Bahagya nya pang pinisil ang kamay ko.Lihim na lamang akong napangiti sa ginawa nyang iyon..

She's always driving me crazy!Isn't she?

***

Someone's POV

I see her!For real.She never changed!

Hindi ako maaring magkamali.Sya iyon!The way she tied her hair,the way she stared.Her smell everything is her.

Damn.After how many years,nakita ko ulet ang mukha nya.

God!How I missed her.Gusto ko syang yakapin pero hindi ko magawa.Gusto ko sya kausapin pero di ko kaya.

Pagkatapos ng lahat ng sakit na ibinigay ko sa kanya.Wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanya.

Mula sa malayo ay muli ko syang tinanaw.Nilapitan sya ng isang lalaki.

Teka?Parang pamilyar sa akin ang lalaking iyon.Lumapit pa ako ng kaunti upang pagmasdan ito ng maige.

At halos mapamura ako ng makilala ko ito.
Paanong nagkakilala sila?
Ganun na ba ako katagal nawala?

Ang lalaking iyon.Alam kong sukdulan hanggang langit ang galit nya sa akin.

At alam kong kahit anong gawin ko ay hindi na mawawala ang galit nyang iyon sakin.

Naikuyom ko na lang ang palad ko ng makita kong magkahawak na sila ng kamay.

Tangina!Gusto kong sugurin ang lalaki na iyon.Pero anong karapatan ko?
Gayong ako naman ang nagdulot ng sakit sa kanila pareho!

Nasuntok ko na lang ang pader na pinagkukublian ko.

Fck!How I hate this life!

***

Yans Elle's POV

Nakauwi na ako ng bahay si Ravince naman nagpalaam na agad matapos nya akong ihatid.

Infairness hindi naman sya boring kasama.Nakakaines lang dahil napakaestrikto nito.

Yung lalaki kanina.Pamilyar talaga sa akin ang itsura nya.

Actually hindi ko naman talaga masyado nakita ang kanyang mukha dahil medyo natatakpan ito ng kanyang cap.

Ipinikit ko ang mata ko.Pilit kong inalala ang mukha ng lalaki na 'yon.

His nose.His face.His smell.

Loving Mr.ArrogantWhere stories live. Discover now