Chapter 50: Kurt & Yumi

276K 3K 235
                                    



Ang pagpapakasal ay hindi isang bagay na pag gusto mong pasukan, pwede na at pag gusto mong kumawala na sa pagkakatali sa'yo, magagawa mo agad..

Inaamin ko nong una iyan ang iniisip ko.. Akala ko kapag kasal ka sa isang tao na hindi mo mahal, pwede ka namang tumalikod at iwanan siya ng ganun ganun na lang..

Pero syempre ngayon hindi na ^_^

Tinulungan ako nina Jane sa damit ko..Hindi ko kasi kayang isuot na ako lang mag-isa..Mahirap..

Ito iyong pinili ni Kurt nong pumunta kami ng shop..

I'm proud to say na kaming dalawa talaga umasikaso ng lahat lahat, pati sa mga invitations, sa give aways at sa venue..Blue Resort ang napili naming venue para sa kasal namin..Beach wedding kasi ang gusto ko :D

"Okay na.." sabi ni Jane

"Ang ganda mo" pagpatuloy niya habang nakaharap kami sa salamin

Hindi naman ito ang unang beses na ikinasal ako pero iba iyong pakiramdam ko ngayon kesa nong unang kasal namin ni Kurt..Kinakabahan ako pero excited din at syempre masaya..Halo halong emosyon..

"Hindi ko inasahan na sa ganito pala kami hahantong ni Kurt.."

Ganito pala talaga pag ikakasal..nagiging emotional ka. Ang dami na naming pinagdaanan ni Kurt..Hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha ko..

"Huwag ka ngang umiyak..Nasisira iyang make-up mo.." sabi ni Jane at pinunasan ang mga luha ko..

"Mga bakley magready na kayo at magsisimula na ang kasal!"  sigaw nong baklang pusit kung naalala niyo man siya..hahaha

"Ready ka na?" tanong ni Jane

Tumango lang ako

Dahil sa halo-halong emoyson ko namalayan ko na lang na naglalakad na pala ako papunta kay Kurt..

♫ All I am, all I'll be

   Everything in this world

   All that I'll ever need

   Is in your eyes

   Shining at me ♫

300 Days with My Contract Husband (Completed) [with Extra Chapters]Where stories live. Discover now