Kabanata IV: Bahay Pahingahan

1.6K 16 3
                                    

“Pasensiya na kayo kung medyo natagalan bago ko kayo napagbuksan,” paumanhin ng matanda, “Galing pa kasi ako sa third floor nang marinig kong may kumakatok sa pinto.”

“Wala ho yun. Pasensiya na rin po’t naabala namin kayo.” magalang na tugon ni Dianna. Siya ang kumausap sa matanda tungkol sa paghahanap nila ng matutuluyan.

Nanatiling tahimik si Angela habang sinamahan sila ng matandang caretaker sa kanilang kwarto. Malaki ang rest house. Malaki, ngunit malungkot. Hindi maiwasan ni Camille na mapakunot ang nuo sa amoy ng lugar at sa mga lumot na namumuo sa pader. Halatang napabayaan ang bahay sapagkat mapupuna ng sinumang titingala ang mga saput ng gagamba na wari’y hindi na tatagusan ng bala sa labis na kakapalan.

Hindi napigil ni Matts ang pagkabibo at nagtanong, “Wala po bang ibang tao rito?”

“Ah…sa ngayon wala. Hindi pa kasi...ah…wala pa kasing summer eh. Kapag tag-init halos mapuno itong lugar na ito.” nauutal na paliwanag ng matanda.

“Ayos! Mae, upa tayo ng sarili nating kwarto!” biro nito sa dalaga.

“Ulol! Umayos ka Matts bibigwasan kita.” Sagot naman ni Mae. Galit, pero hindi naman talaga. Sanay na siya sa mga green jokes ni Matts. Di naman niya masisi. Patay na patay kasi sa kanya simula noon.

Inilagay ni Chi ang hintuturo sa labi, senyas kina Matts at Mae na huwag masyadong mag-ingay. Agad namang tumahimik dalawa. 

“Heto ang susi. Siya nga pala, aalis ako papuntang bayan. May mga bibilhin lang. Ang problema, bukas pa ng umaga ang balik ko. Hindi ko kasi alam na may hahabol pang gustong umupa. Dapat isasara ko itong rest house ngayon.” paliwanag ng matanda.

Tumingin muna si Dianna sa mga kaibigan bago nagsalita, “Ayos lang po iyon.”

“Maiwan ko na kayo at ako’y malayo pa ang lalakarin.” Nakangiting nagpaalam ang caretaker sa kanila.

“Sige po.” halos sabay-sabay silang nagsabi.

Ipinasok ni Dianna ang susi upang mabuksan ang nakakandadong pintuan. Maayos naman ang silid, kasyang-kasya silang lahat. May sariling banyo sa loob at may terrace na hinihiwalay ng isang sliding glass door sa mismong silid. Isa-isang namili ng mahihigaan ang magkakaibigan. Pinabayaan ni Angela na makapamili sila ng gustong kama bago siya naupo sa natitirang bakante.

Nang maibaba ang mga gamit sa sahig, tsaka lamang siya nagsalita.

Guys, sorry na.” hindi na napigil ni Angela ang pag-iyak.

Nagtatakang nagkatinginan ang magkakaibigan. Hindi nila alam ang dahilan ng biglang pag-iyak ni Angela. Umupo si Marian sa gilid nito at hinimas siya sa likod. Magkapatong ang mga paa ni Camille sa taas ng kama habang ang dalawang lalaki naman ay nagbulungan. Hindi naman maalis sa pagkakatitig si Mae kay Dianna at ganun din siya kay Mae, kunwa’y nagtatanungan sa pamamagitan ng mga mata kung ano ang nangyayari.

Muling nagsalita si Angela habang patuloy sa pag-iyak.

Sorry talaga guys. Dapat sinigurado ko muna yung pupuntahan natin. Sorry.” Paulit-ulit itong humingi ng tawad, “Hindi maganda ang napili kong lugar.”

Bumagsak ang balikat ni Marian nang mapagtanto ang hinihibi ng kaibigan.

“Ano ka ba? Okay naman dito ahh. Tsaka magkakasama tayo. Yun yung mahalaga. Ligong ligo na nga ako eh. Tahan na.” Nakangiting sinubukang pahintuin ni Marian ang pagluha ni Angela.

You know, I really like the view from here.” Tumayo si Dianna at nagtungo sa terrace, pinuri ang tanawin. Maganda naman nga talaga, “Look guys! There’s a hammock!” galak na pagsabi ni Dianna habang sinubukang sumakay sa duyan sa may gawing terrace.

Tuloy Kayo (Unang Libro)Where stories live. Discover now