Kabanata VIII: Wakas

1.4K 14 9
                                    

Dali daling pumunta si Chi kay Angela na siyang lunod sa sariling paghihihiyaw. Hindi pa man din siya nakakalapit ay kinabahan na siya. Hindi na matigil si Angela sa kakasigaw kay Dianna. Nang dumungaw si Chi ay tsaka lamang niya nalaman na ang sinisigawan ni Angela ay isang Dianna na nahulog mula sa terrace.

Shit!” halos sabunutan ni Chi ang sarili sa nakita, “Shit!”

Yumakap si Angela kay Chi. Hindi siya mahinto sa paghagulgol habang hawak ang naninigas na si kaibigan sa takot at nerbyos. Biglang may naalala si Chi na dahilan kung bakit agaran siyang napatakbo papuntang pintuan.

“Si Matts!” biglang naalala ni Chi ang kaibigan na nasa baba pa, “Angela dito ka lang. Wag kang magbubukas ng pinto.”

Bumaba si Chi at iniwanang mag-isa si Angela sa kwarto. Umupo siya sa kama at yumakap sa unan habang nakikinig sa walang tigil na buhos ng ulan. Nanginginig. Nanlalamig. Hindi niya matanggap na wala na si Dianna. Alam niyang hindi ganun katanga ang kaibigan niya para mahulog nang basta basta. Naisip ni Angela na maaaring may tumulak sa kanya.

Nagkalat ang dugo na ngayon ay humahalo na sa tubig ulan sa baba.

Hindi mawala sa isip ni Angela ang nakabulagtang kaibigan sa labas. Kahit hindi na niya tinitingnan ay naglalaro parin sa isip niya ang walang imik na imahe ni Dianna na binubugbog ng ulan habang nakatihaya sa semento. Bagay na nakapagpaisip kay Angela na aksidenteng nahulog si Dianna habang umaatras sa isang papalapit na mananakit dapat sa kanya.

Nangyari ang kinakatakutan ni Angela.

Mag-isa nalang siya.

Maging si Chi ay hindi pa nakakabalik sa kwarto at nag-uumpisa na siyang mabaliw. Malapit lang naman ang banyo nang unang palapag sa hagdan pero mukhang walang planong magpakita ang mga kaibigan niya sa kanya. Maraming naririnig si Angela sa baba ngunit wala siyang lakas ng loob na gumalaw sa kinauupuan niya. Nagtalukbong siya ng kumot at nagtakip ng tainga upang walang makita’t marinig sa mga nangyayari.

Panaginip lang ‘to.

Hindi ‘to totoo.

Panaginip lang ‘to.

Pilit niyang pinaniwala ang sarili na magigising siya sa bangungot. Pero hindi. Totoo ang lahat.

Sa gitna ng tunog ng malakas na ulan ay may narinig siyang kaluskos sa kahoy na para bang nasa kwarto lang. Diniin niya ang mga kamay sa tainga upang hindi marinig ito ngunit animo’y may butas ang kanyang mga kamay at nakakalusot ang tunog sa tainga niya. Nagtataka, dahan-dahan niyang inalis ang kumot at napatakbo sa pintuan.

Gumagalaw ang baso sa ibabaw ng Ouija na hindi pa nila inaalis sa sahig simula pa kanina. Ngunit bago pa man buksan ni Angela ang pintuan upang lumabas ay napatigil siya. Hindi niya alam kung ano ang nagbigay ng tapang sa kanyang lapitan ang basong nagwawala sa ibabaw ng kapirasong kahoy na inukitan ng mga titik at numero. Umupo siya at pinigil ang baso sa paggalaw.

Kasabay nito ay ang paglakas ng hangin at dalawang magkasunod na kidlat na halos bumulag kay Angela na nakatingin sa labas bago pa man ang puting liwanag.

“Anong gusto mo?” tanong ni Angela.

Nagulat siya nang maramdamang gumalaw ito. Parang may batu-balaning nag-uugnay sa kanyang daliri at sa baso habang ito ay pumunta sa iba’t ibang titik, palipat-lipat hanggang sa makabuo ng isang pangungusap.

U M A L I S  K A  N A

Hindi makapagsalita si Angela sa nakita. Sa pangalawang pagkakataon, nagtanong siya sa kabila ng takot na namumuo sa kanyang dibdib. Dama niya ang kabog ng puso na animo’y nasa kanyang lalamunan sa sobrang lakas.

Tuloy Kayo (Unang Libro)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon