𝐯: 𝐁𝐥𝐚𝐜𝐤 𝐖𝐨𝐥𝐯𝐞𝐬

7.6K 225 10
                                    

Vhandeon's Mansion

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Vhandeon's Mansion

Nag-uunahan na ang mga butil ng pawis sa noo ko dahil sa kakalinis ng maduming mansion ng mga lobong walang pakiramdam. 

Mafi-feel ko na sana na para akong si Cinderella kaso mga lobo pala ang pinagsisilbihan ko. 

May maliit pang leak ang baldeng gawa sa kahoy na pinagamit nila sa akin. It's an infinite punishment.

Habang nagnunusnos ng maruming sahig, bumalik sa ala-ala ko ang nangyari kagabi.


[FLASHBACK]

"Sino ka?" 

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto kasabay ang pagtama ng malakas na hangin sa loob at pagkabukas ng mga bintana. Tumama ang liwanag ng buwan sa mukha ng alpha na walang emosyong nakatingin sa lalaking nasa may kurtina.

"You," salita ng lalaki. Sobrang kakaiba at malakas ang tension na nararamdaman ko. Parang kilala ko ang lalaking ito dahil sa boses niya. 

Parang kilala ko pero ayaw alalahanin ng utak ko.


Tinuro siya ng alpha na tanging suot ay robe na itim. Matapos ay tinuro ang nakabukas na bintana. Mabilis na umalis ang lalaki sabay sabi, "I always have my eyes on her, Frittx."

Nanlamig ako bigla lalo na no'ng tumingin sa akin ang alpha. Bumaba ang tingin niya kaya napatingin narin ako sa sarili ko. 

Nanlaki ang mga mata ko. I'm wearing a thin night gown. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko kasabay ang pagtakip ko sa dibdib ko.

Binalik ko ang atensiyon ko sa kanya ngunit wala na siya.


[BACK TO REALITY]

Muntik na akong mapamura nang maraming beses dahil doon. Ayaw ko nang maalala kaso bumabalik balik sa utak ko. Nakakainis!

Nakakahiya ka Kaye!

"Too slow, huh?" Umikot ang eyeballs ko sa sinabi ni Madame Cadilax. E kung siya kaya ang gumawa nito?

Nilagpasan lang niya ako at dumaan dun sa lugar kung saan ako tapos nang maglinis. Halos sigawan ko siya nang makita ko gaano karumi ang sandals niya. Wala akong nagawa kundi ang titigan siya ng masama galing sa likuran. I'm pretty sure nakangiti siya.

This old woman is always wearing a black dress na hanggang ankle. Lahat ng dress nya ay turtle neck at may sleeves. Ang buhok naman niya ay kulay puti na sa katandaan at laging nakapusod. 

She's always wearing a really red lipstick and a pale foundation.


Kinuyom ko ang mga kamao ko at sinuntok sa hangin ang likuran niya. Mabilis akong bumalik sa trabaho nang lumingon siya. Wala parin akong laban sa kanya, sa kanila.

Underground University [REVISING]Where stories live. Discover now