𝐱: 𝐇𝐚𝐫𝐦

6.5K 210 13
                                    

Underground University

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Underground University

Matapos ang first subject, patago akong nagpunta sa office ni prof Canji.

Palingon lingon ako sa paligid.

Cleared.

Walang nakasunod sa akin. 

Dahan dahan ko nang pinihit ang door knob at nabukas ang pinto. Agad na dumapo sa mesa ang paningin ko. Nakasulat nga doon ang pangalan niya.

Canji Endigo Jariver.

Sinara ko na ito. Hindi siya isang Loviana kaya confirmed na wala kaming connection.

Parang may maliit na parte sa loob ko ang dismayado, di ko alam bakit. Baka gusto ko rin may ituring na ama.

Bigla na lamang akong may naramdamang papalapit sa likuran ko kaya napailag ako. Nilingon ko, si Memosa pala. Muntik na akong tamaan ng sipa niya sa likuran ng ulo ko.

Sinalo ko ang iba pa niyang atake hanggang sa nahawakan niya ang leeg ko.

"Memosa..." sambit ko sa pangalan niya habang pilit na humigop ng hangin at alis ng kamay niya. 

ang lakas lakas niya.

Binitawan niya ako maya-maya niyan. Nakahinga ako sa wakas.

"Anong kailangan mo dito? May masama kang binabalak?" galit na tanong niya. 

Understandable naman. Nagti-trespass kasi ako.

Tumayo muna ako ng maayos.

"Wala. May tinignan lang ako dito at wala ka na do'n," sabi ko sabay talikod sa kanya. Medyo nainis ako kaunti sa ginawa niya. 

Nahirapan akong huminga sa ginawa niya. Masakit din ito sa leeg.

"Bakit gano'n?" Natigilan ako at pinakinggan muna siya. "Bakit pinaasa ako ng Oracle? Mahal ko si Frittx kaya naging masaya ako nang malaman na ako ang magiging mate niya pero bakit napunta sayo?" Mabilis na bumalik sa kanya ang atensiyon ko. I saw her grit her teeth. 

Galit siya sa akin.

Nagkibit balikat ako. 

"Wala naman akong pakialam, e," sabi ko sabay hinga ng malalim. Bumagsak pa 'yung balikat ko.

Totoo naman na wala akong pakialam. Kung pwede 'yang ipasa, edi sa kanya na.

Nakita ko paano nagbago ang kulay ng mga mata niya. "Umalis ka na dito, pakiusap. Iwan mo ang Underground world," pakiusap niya sa akin bigla.

Malungkot siya pero galit parin.

"I wish I could, sa totoo lang ayaw ko naman talaga dito, e." Napahalukipkip ako. 

Napatitig pa siya sa akin saglit. Mukhang hindi niya nagustuhan ang tinuran ko kasi inatake niya nalang ako bigla. Nakadagan na siya sa akin, isa siyang gray na lobo nang magtransform siya.

Underground University [REVISING]Where stories live. Discover now