CHAPTER 33: Trying

3.7K 115 18
                                    

KHAYE


Napamulat ako at natantong nananaginip lang ako. Hindi pala totoong nakita ko ang masked man. Nakakadena ang mga kamay at paa ko. Nasa loob ako ng bakal na kulungan at nasa harap ko sina Grouh, Frittx at Kenzo. Mga wala pa silang malay. Puro duguan ang mga katawan at halatang napupuno ng mga sugat at pasa. Pareho kaming nakabitin ang mga kamay ang kaibahan lang ay hubad ang mga upper nila.


Nilingon ko sina ina at grandma na nasa unahan lang din namin.


"Gising ka na pala." Nabigla ako sa nagsalita. Ang hari yun ng mga bampira. Pumasok siya sa malaking kulungang nilagyan nila sa amin. "Alam mo bang kayo nalang ang natira?"


"Hindi," pabulong na sambit ko. 


Marahas niyang hinawakan ang parte ng chin ko. 


"Matagal ko nang plinano ang lahat ng ito kaya humanda ka," sabi niya at binitawan ako para lapitan si Kenzo. Dun ko nakitang gising na ang tatlo. 


Nanghihina pa ako dahil sa likidong nakadikit sa karayom na tumama sa akin.


"Khaye," halos sabay nilang sambit.


Kahit pareho kaming nasa panganib ngayon nagawa pa nilang isipin ang kaligtasan ko. Parang nadudurog ang puso ko sa katotohanang ito. Tumawa si Kirts at marahas na hinawakan ang buhok ni Kenzo para iuntog ito sa semento.


"No! Stop it!" sigaw ko pero pinagpatuloy niya hanggang sa maraming dugo na ang dumaloy ngayon sa mukha ni Kenzo. Sigaw ako nang sigaw. 


"Khaye-" huling nasambit nito bago tuluyang hindi na gumalaw.


"Hindi, HINDI!" pagwawala ko. "YOU MONSTER!" dagdag ko. Naiyak ako dahil sa katotohanang wala man lang akong magawa. Kay Grouh naman siya lumapit ngayon.


"GROUH!" halos paos na ang boses ko. 


Nabigla ako nang masira nito ang kadena niya at nasuntok ng mabilis ang hari. Ganun din si Frittx, nakawala ito sa kadena. Lalapit na sana ito sa akin pero hinarangan ng iba pang bampira. Naging magulo ang loob ng kulungan.


Kailangan kong makatakas. Pilit kong magpalabas ng lakas para sirain ang kadena pero di ko magawa. Maya maya si alpha na ang sumira nun at hinawakan ang mga kamay ko. Humaeang ang iba pang tauhan ng hari sa amin. Napalingon ako kay beta nang sumigaw ito. Nahuli ulit siya dahil sa panghihina.


Hawak siya ng mga bampira habang nakaluhod. Bumunot ng latigo ang hari at pinagsawaan itong ipalo sa katawan nito. Bawat tama ay nag-iiwan ng malalalim na sugat.


Niyakap ko nalang si Frittx. "Kung ito man ang katapusan, gusto kong sabihin sayo na --" Hinablot ako ng isa sa mga tauhan ng hari.


Nakipaglaban ulit si Frittx kahit alam niyang dehadong dehado na. Napalingon ako pabalik kay beta, hindi na rin ito gumagalaw. Nakawala ako sandali at nakalapit. Hindi na ito humihinga. "HINDI!" sigaw ko.


Nahawakan nila ulit ako at nilayo sa beta. Dala ang isang punyal, hinarap ako ng hari. Ilang distansya lang siya nang itinarget niya ito straight patungo sa puso ko. "You will die with the poison!"


Nanlaki ang mga mata ko sa narinig habang tinitignan ang punyal na papalapit na sa akin. Mamamatay na ba ako? Napapikit ako ng mariin. Masyado na akong nanghihina. Hindi ko na magawang umilag. Ilang luha pa ang napakawalan ko.


"Mahal kita Frittx--my alpha--my mate--" tanging nasambit ko.

This can't be my end. Our end. I need to fight. I can't let this happen.

Underground University [REVISING]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن