Chapter 70

31.6K 391 6
                                    

Max POV

"Anong nangyari sayo? Ba't parang nakakita ka ng multo love!" Natatawa kong tanong kay Angel. Nakatulala kase itong umupo sa tabi ko.

"Aaahmmm... halika ka nga muna!" Hinawakan nya ang kamay ko.

"Guys babalik lang kami ha." Paalam ko sa kanila.

"Max magpapahinga na siguro kami. Antok na rin ako." Humihikab na saad ni Bruno.

"Sige. Good night guys!" Nagmamadali naman akong hinila ni Angel.

Sinara agad nya ang kwarto pagkapasok namin. Para namang hindi mapakali si Angel dahil pabalik-balik ito ng lakad.

"Alam mo nahihilo na'ko sayo love. Umupo ka nga muna, ano bang problema mo?" Hinawakan ko ang kamay nya at pinaupo sa kama.

"M-max.... aaahmm hindi ka maniniwala sa nakita ko!" Napakunot noo ako sa sinabi nya.

"Bakit? Ano ba yun?"

"Si Julia at Red nakita kong naghahalikan!" Bulaslas nito at lumaki pa ang mata.

Biglang sumilay ang ngiti sa labi ko.

"B-bakit ka nakangiti?" Nagtataka nitong tanong.

Humiga ako sa kama at niyakap ang bewang nya.

"Pabayaan mo na nga sila love!" Cool kong sagot.

"Anong pabayaan? H-hindi ka ba nabigla Max?" Mahina nitong hinampas ang braso ko.

"Nabigla syempre pero sigurado ka ba sa nakita mo?" Tanong ko habang hinahalik-halikan ang braso nya.

"Sure ako baby, nakita ko talaga. They were kissing, actually they were passionately kissing!"

"Well.....Aaahmmm gaya nga ng sabi ko pabayaan mo na sila. Halika tabihan mo muna ako!" Hinila ko ang bewang nya pahiga sa tabi ko. Niyakap ko sya ng mahigpit at hinalikan ang noo nito.

"Eeiii naman eh!" Mahina nyang tinulak ang dibdib ko. "Nagtataka talaga ako bakit nila ginawa yun. Hindi naman sila mukhang lasing baby tapos straight sila di ba?"

"Oo nga! Alam mo tumahimik ka na lang sa nakita mo love tapos hayaan na lang muna natin sila. Huwag tayong makialam, im sure aware naman sila sa mga ginagawa nila. Malalaki na yung dalawa!"

"Hindi naman ako makikialam sa kanila kaya lang nagtataka lang talaga ako Max."

"Alam mo love masasabi ko na ngayon na ako talaga ang gay sa ating dalawa!" Natatawa kong saad.

"What do you mean?"

"Secret!" Ngumiti ako ng nakakaloko sa kanya.

"Ano nga sabihin mo na Max. May hindi ba ako nalalaman?"

"Wala. Maligo na lang tayo love!" Dumagan ako sa kanya.

"Ayoko. Maligo kang mag-isa!" Umirap pa ito.

"Sabi mo kanina gagawin mo lahat ng sasabihin ko?"

"Kanina yun. Ngayon hindi na!"

"Ang daya!" Naiinis akong umalis sa ibabaw nya at tumayo.

"Teka!" Pigil nito sa kamay ko. "Sabihin mo muna kase Max."

"Ano bang sasabihin ko love?"

"Yung nalalaman mo tungkol kay Red at Julia."

"Love wala akong alam. Tsaka ayaw kong makialam sa kanila, wag mo na kaseng isipin yun!"

"Tsss.. Nakakainis ka talaga Max. Alam kong may nalalaman ka!"

Labstory (gxg) ♡MaxGel♡Where stories live. Discover now